Chapter 1

1216 Words
"Apo! Gumising ka apo!"nakakaramdam ako na niyuyugyog yung katawan ko.Feeling ko lumilindol...gosh takot pa naman ako sa lindol.I can't guys,baka ito na katapusan ng buhay ko,hindi ko pa kayang iwanan ang universe pati ang mga mahal ko sa buhay,please lord wag ngayon,promise gagawa na ako ng mas marami pang tama sa paningin ninyo basta wag ninyo lang ako dalhin sa heaven agad. "Lord wag muna po,ayaw ko pa po iwan sina mama at papa.Please lang po,nagmamaka-awa po ako sainyo"pagdadasal ko habang nakapikit at mag sa-sign of the cross na sana ako ng biglang makaamoy ako ng sinigang.Ang sarap tsaka yung aroma ng luto.....so ibig sabihin hindi pa ako patay? "Apo gumising ka!"biglang may umalingaw-ngaw na sigaw sa dalawa kong tenga.Agad kong binuksan at minulat ang aking mga mata at nakita ko si Lola na mukhang nag-aalala. "La!bat po ganyan mukha ninyo?may nangyari po bang hindi maganda?Teka,saan po sina mama at papa?Ano po bang nangyari Lola?Sabihin ninyo na po"pagtatanong ko,ewan pero parang may gusto siyang sabihin pero parang ng da-dalawang isip ang lola. "Ahhh Apo,wag kang mabibigla,ano kasi....naaksidente kayo.... ikaw lang ang naligtas ng rescuer doon sa sasakyan bago sumabog.Sorry Apo,hindi nila nailigtas mga magulang mo"natauhan ako sa mga salitang lumabas sa bibig ni Lola.Hindi maaari....hindi yon nangyari. "Lola,baka joke lang yan,alam ko pong mahilig kayong mag-prank lalo na pag nandoon kami sa bahay ninyo sa Bulacan.Please po sabihin ninyo po na joke lang yung sinabi ninyo"pagmamakaawa ko,unti-unting pumapatak ang mga luha ko galing sa aking mga mata pababa ng mga pisngi ko. "Totoo iyon Apo,hindi iyon biro,namatay sila sa car crash,kahit ako hindi ko rin matanggap....pero ito tatandaan mo apo, kailangan nating magpa-katatag.Kailangan nating matanggap na patay at wala na sila sa piling natin.Masakit man isipin Apo....pero iyon ang katotohanan at kailanman,hindi nababaluktot ang totoo.Kaya dapat matutunan nating tanggapin ang nangyari"mahabang sabi ni Lola,doon na magsimulang umagos ang mga luha ko,hindi ko matanggap ang nangyari kina mama at papa.Sana panaginip na lang ito,sana panaginip at guni-guni ko lang ang nangyaring trahedya sa amin ng pamilya ko. "Tahan na apo,bukas pala ma didischarge ka na bukas ng umaga kaya kailangan mo ng magpalakas at magpahinga para bukas payagan ka na ng doctor mo"pagpapaalala ni lola sakin. Idadaan ko muna sa pagpapahinga,ang sakit sobra,kung alam ko lang na iyon na ang huling pagkakataon at oras para makasama ang mga magulang ko,edi sana sinulit ko na,edi sana nakapagpaalam ako.Hindi ko kayang mahiwalay sa kanila ng matagal pag umaalis sila ng bahay parehas tas mawawala pa sila sa akin ng parehas din.Tumayo muna ako sandali at kinuha ang family picture namin.Ito lang ang natirang bagay na mahalaga ng mangyari yung aksidente.Dala dala ko pa ito dahil ito lang yung tanging picture naming magpamilya ng buo,minsan kasi incomplete kami pag mag-papapicture kami,minsan wala si papa...minsan wala din si mama.Hindi ko maiwasang maging emosyonal dahil inaalala ko parin sila.Nahiwalay man sila sa akin ay hindi ako papayag na makalimutan sila.Sila ang natatanging espesyal,importante at mahalaga sa akin.Wala akong kaibigan na pwedeng paghugutan ng lakas ng loob kaya sa kanila ako kumukuha.Sila yung inspiration ko para makagraduate ng senior high at maging valedictorian.Sila din yung nag motivate sa akin nung bata ako na mag-aral ng mabuti. "Sana masaya kayo diyan sa langit ma at pa"bulong ko,tumungo ako sa banyo upang maligo,ang lagkit ko na,dahil siguro sa pag-iyak ko.Wala namang masama maging emosyonal eh,paki ba nila.Hindi ako attitude ah. Sinimulan ko ng buksan ang shower at basain ang buhok ko,naglagay ako ng unting shampoo at hair conditioner sa buhok at pinabula ito,pagkatapos binanlawan ko na.Sinunod ko ang pagkuskos ng sabon sa balikat ko papunta sa mga braso ko,sa kili-kili,mga kamay.Nagsabon din ako sa leeg at dibdib pati narin sa tyan.Pinabula ko ulit ang sabon at kinuskos naman ang baywang ko at mga hita ko,pati narin ang binti at paa.After noon,nagbanlaw ako ulit.Masarap mag maligo ng gabi guys,try ninyo. Lumabas na ako ng banyo at nagpunas na ng katawan gamit ang tuwalya pagkatapos kumuha ako ng mga damit na pwede maisuot na dala ni Lola kanina.Nakakita ako ng over-sized na green t-shirt at boxer.No choice dahil wala daw short na binebenta doon sa pinagbilhan niya nito.Hays bahala na nga basta may maisusuot.Sinuot ko na ang boxer pati ang boxer.Inferness kasya naman at mas komportable ako kaysa sa suot ko kanina.Tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa pader at eight-thirthy palang ng gabi kaya napagpasyahan ko munang mamasyal sa hallway ng hospital.May dala namang pagkain si Lola kaso hindi pa ako nagugutom.Baka hindi pa nag reresponse mga bulate ko sa tiyan,charot! Binuksan ko palabas ang pinto at naglakad palabas,nakakita ako ng mga pasyente na nandito rin sa hallway,yung iba nakaupo,yung iba naman tinititigan ako at yung iba ay nakatingin lang sa kawalan?Isinarado ko na ang pintuan ng room kung saan ako galing at nagsimula ng lumakad paalis sa kuwarto.Nakakita ako ng mga nurse na may cinocomfort na tao,baka ito yung mga pamilya ng pasyente.Mayroon ding umiiyak ng palihim sa gilid malapit sa malaking paso na may tanim na Welcome plant.Meron ding nagkwekwentuhan at nagchichismisan.Naisipan kong pasukin ang isang room. "Room 142?Sino kaya pasyente dito?"tanong ko sa aking sarili bago pihitin at buksan ang pintuan ng kuwarto.May dalawang taong nandito,yung isa pasyente na medyo may edad na mga nasa 40s to 50s na ganon tapos yung nakaupo katabi yung pasyente is probably anak or apo ng pasyente(medyo bata pa eh, mga nineteen to twenty three ganon). "Who are you and what are you doing here?kamag-anak ka ba or isa sa mga relatives namin?"biglaang tanong ng lalaki.Nag-panic ako hindi ko kasi alam isasagot ko, tanga mo talaga self,hindi na lang nag stay doon,hays. "Ahh-- ehh~~ hindi sorry po Mr. lalabas na lang po ako ng room"pagpapaalam ko,takte naman....anong kahihiyan ginawa mo self.Hihilain ko na sana paloob ang pinto para makalabas ng biglang itulak ito pabalik ng lalaki. "Lalabas na po ako,ano po ba problema ninyo"pagtatanong ko,hirap naman basahin ng taong to.Nagagalit kanina kasi kung bakit daw nandito ako tapos aalis na nga ako ng kusa,nagbago bigla desisyon. "No samahan mo ko dito,kailangan ko bantayan lolo ko at sasamahan mo ko"ma awtoridad na sabi nito,ginawa pa talaga akong companion nitong hayop na to. "Pero yung ro--"magsasalita pa sa na ako kaso tinakpan niya bigla ang bibig ko. "I don't care,basta dito ka lang,madali lang naman kausapin ang mga nurse dito"pagpapaliwanag nito.Wala na akong nagawa kaya pumayag na lang ako.Hindi rin naman ako makakatakas dito dahil mas matangkad at maskulado ito sa akin. "Ok pero bakit?"tanong ko dito.Bakit naman ako napili niya?Hindi naman ako hospital staff or nurse dito nor doctor tsaka pwede naman siyang mag assign ng isang nurse na pwedeng mag bantay sa Lolo niya. "Wala,mukhang matino ka naman kasama,by the way bakit ka may mga bandages ka sa ibang parte ng braso at binti mo?"pag-iiba nito ng sagot,sa tingin niya pa lang masasabi mong concern siya. "Kung iniisip mong concern ako saiyo,pwes hindi....I'm just asking sa kung bakit ka may ganyan sa katawan mo"dagdag nito,jusko lord lamunin na sana ako ng lupa dahil sa kahihiyan.Hindi ko alam na mind reader pala ito. "Ahhh ehh naaksidente kasi kami ng mama at papa ko.Sa kasamaang palad,ako lang yung nakaligtas pero actually lahat sana kami maliligtas kung hindi lang sumabog agad yung kotse na sinasakyan namin kung saan sila na stuck"pagsasalaysay ko,I don't know what to feel,nararamdaman ko nanaman
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD