Chapter 7: His Past Love

2937 Words
Pagkatapos makipagbasag-ulo ng grupo ko sa grupo nila Xander, umuwi na ako ng bahay. Mabuti na lang at hindi ko na kinailangang mawala sa sarili ngayon para lang matalo yung mga kalaban. Naisip ko na naman yung mga sinabi ni Xander. “Hindi mo na ba naaalala ang mukha ng bestfriend mo? Ang bestfriend na… tinraydor mo?” Bestfriend… Pumikit ako at pilit inalala ang nakaraan. Wala. Wala talaga akong maalalang kahit ano. Dumiretso ako sa kwarto ko at ibinagsak ang katawan ko sa kama. Bigla akong napadilat nang may maalala ako bigla. Si ate Euri! Siguradong may alam siya! Agad akong bumangon at pumunta sa kwarto ni ate Euri. Kakatok pa lang sana ako nang bigla itong bumukas at iluwa nito si ate Euri na mukhang kabibihis lang. “May kailangan ka?” agad na tanong nito. “Ahm… kasi...,” paano ko ba sisimulan ang pagtatanong? “Nagkita na kayo ni Xander?” napataas ang tingin ko sa mukha niya nang banggitin nito ang taong gusto kong itanong. “Paano mo nalaman?” “Tinawagan ako ni Ephraim,” niluwagan nito ang pinto at saka kami pumasok sa kwarto niya. Kinuha ko yung upuan sa harap ng PC at umupo malapit sa kama nito kung saan siya umupo. “So kilala mo si Xander ate?” agad kong tanong sa kanya. “Hmm… hindi,” maiksing sagot nito. “Ehhh???” hindi ko malaman kung nagbibiro lang ba siya o hindi dahil hindi ko mabasa ng mukha niya. Poker face as usual. “Ang alam ko lang naging kaclose mo yung lalaking yun nung first year high school ka,” sabi niya habang tila nag-iisip. “So totoong naging bestfriend ko siya?” “Maybe,” kibit-balikat nito. “Ano bang nangyari noon ate? Bakit wala akong maalala sa nakaraan ko?” hindi ito sumagot. Tinitigan niya lang ako. Parang tinitimbang niya kung sasagutin ba niya ang tanong ko o hindi. Maya-maya, ngumiti ito ng makahulugan. “I’ll tell it all when the right time comes.” “Bakit hindi pa ngayon?” tanong ko sa kanya. “Kasi wala ka pang naaalala! Saka na kapag paunti-unti nang bumabalik ang alaala mo!” napakunot ang noo ko. Gustong-gusto ko ng malaman ang sagot pero alam kong hindi ko mapipilit magsalita ang ate ko. Tumayo na ako nakasimangot na tiningnan siya. “Hindi mo ko madadaan sa pagsimangot mo! Matulog ka na at may pasok ka pa bukas!” “Aish!” inis na naglakad ako papuntang pintuan at saka lumabas ng kwarto niya. Kainis naman! “Josh?” napalingon ako sa babaeng tumawag sa pangalan ko na kalalabas lang mula sa kabilang kwarto. Bakit siya nandito? “Anong ginagawa mo dito B-Bianca?” tanong ko sa kanya. “Wala sa loob, nasa kotse yata—oh Josh anong ginagawa mo dyan? Galing ka kay ate Euri?” tanong ni kuya Mark na kalalabas lng ng kwarto niya. Mukhang kaliligo lang nito. “Hindi ba sabi ni mom wag kang mag-uuwi ng kung sinong babae dito?” sa gilid ng mata ko’y nakita kong bahagyang nagreact si Bianca. Shiz. “Kung sinong babae? This is my girlfriend Bianca at hindi lang siya kung sinong babae Josh,” sagot nito sabay akbay kay Bianca. Nagtama ang mga mata namin. Tinitigan ko siya. Nauna itong mag-iwas ng tingin. “Wag mo siyang takutin, ano ka ba? Kaya hindi ka pa nagkakagirlfriend ei!” sabi nito sabay tawa. Kung alam mo lang kuya… “Sige matutulog na ko!” sabi ko at saka sila nilampasan. Pumasok ako sa kwarto ko at padabog itong isinara. Bakit kasi siya pa? Bakit siya pa ang pinili mo kuya? Napangiti ako ng mapait. Oo nga pala, ever since naman… si kuya talaga ang gusto niya. 2 years ago… “Hoy nerd! Wala kaming pera ngayon! Bigyan mo nga kami!” rinig kong sabi ng isa sa kanila. Kaya ayokong dumadaan dito sa likod ng gym dahil alam kong may mga natambay ditong gangsters ei! Kung bakit naman kasi dito pa gustong makipagkita nung babaeng kaibigan nung classmate ko. Kanina kasi sinabi niya sa akin na gusto daw akong makausap nung kaibigan niya na ang pangalan ay Bianca. Pumayag naman ako kasi wala naman akong nakikitang masama sa imbitasyon niya. Pero ngayon na nandito na ko, feeling ko hindi maganda ang naging desisyon ko kanina. “Aba’t parang walang naririnig pre! Hindi tayo pinapansin?” tuloy lang ako sa paglakad. Sa gilid ng mata ko, nakita kong lima silang nakaupo sa lumang bench. Malalaki ang katawan nila at halatang galing sa mga lower sections. Tumayo ang isa sa kanila at humarang sa daraanan ko. Napatigil ako at pilit umiwas sa kanya. Tumayo na rin yung iba at pumalibot sa akin. Shiz. Anong gagawin ko? “Ano ibibigay mo ba sa amin ang wallet mo o sasaktan ka pa namin?” sigaw nung isang lalaki. Nakakatakot ang itsura niya. “W-wala akong pera! Wala kayong mapapala sa’kin!” sagot ko sa kanya. May pera naman yung wallet ko kaso, siguradong malalagot ako kay ate Euri kapag nalaman niyang naubos na naman ang pera ko dahil sa mga bully na ‘to. Mas may takot ako sa kanya kaysa sa mga pangit na to! “Ahh ganun? Gusto mo talagang masaktan?” akmang susuntukin niya na ako nang bigla silang mapatigil ng isang sigaw. “Ano na namang ginagawa nyo?” napalingon ako kay Sir Greg na tumatakbo palapit sa amin. Agad akong binitiwan nung mga lalaki. Si sir Greg ang nakaassign na disciplinary chairman at rumuronda sa school para manghuli ng mga bullies. Buti na lang dumating siya! “Hindi na ba talaga kayo magbabago ha? Hala dumiretso kayo ngayon sa office ko!” galit na galit na sigaw ni sir Greg. Mukhang nabuhol naman ang mga buntot nung mga maaangas na nambully sa’kin. Nakahinga ako ng maluwang nang makaalis na ang mga ito. “Okay ka lang ba?” napalingon ako sa babaeng biglang lumitaw sa likod ko. “Ha? Oo… sino ka? Saan ka nanggaling?” tanong ko sa kanya. “Kanina pa kasi kita hinihintay dito tapos nakita kong dumating sila Goliath kaya nagtago ako dito. Nang makita kong binully ka nila, tumakbo ako sa kabila at hinanap si sir Greg. Buti na lang at nasa malapit siya kaya napuntahan ka niya agad!” mahabang sabi nito. Naptangu-tango naman ako. Pero teka… “Hinihintay mo ko? Ikaw si Bianca?” tanong ko. “Ahh oo hehe I’m Bianca, ikaw si Joshua di ba? Yung kapatid ni Mark?” nakangiti nitong tanong. “Ako nga, ano palang kailangan mo sa’kin?” nagtatakang tumingin ako sa kanya. Ngayon ko lang napansin, ang ganda pala niya. Maputi siya at may maliit na mukha. Maganda rin yung mata niya na tineternuhan pa ng mahaba niyang mga pilik-mata. Matangos ang ilong niya at mayroon siyang mapula ngunit manipis na mga labi. Narinig kong tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. “Kasi… pwede mo ba kong tulungan?” sabi niya habang nakatungo. “Tulungan saan?” huminga muna ito ng malalim bago nagpatuloy at saka tinaas ang tingin sa akin. Pakiramdam ko, bumagal ang oras nang magtama ang mga mata namin. “I like your brother Mark, pwede mo ba kong tulungang mapalapit sa kanya?” tuluy-tuloy na sabi niya. Halos nagecho yata buong gabi sa tenga ko yung sinabi ng babaeng yun at halos hindi ko rin maalala kung paano ako napapayag sa gusto niyang mangyari. Heto ako ngayon at nakatulala sa kisame ng kwarto ko, iniisip pa rin yung reaction ni Bianca kanina nang pumayag ako sa gusto niya. Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito. Napakunot ang noo ko sa nabasa ko. From: +639780001*** Let’s meet again tom @d rooftop. -Bianca Okay Josh, simpleng crush lang naman yung naramdaman mo kanina ei! I’m sure mawawala din yan! Saglit ko pang tiningnan ang text message at saka ako nagreply. To: +639780001*** Okay. Good night. Pinalitan ko yung number niya sa cellphone ko at saka pumikit para matulog. Kinabukasan, nagkita kami pagkatapos ng uwian sa may rooftop. Nalaman kong section C siya at una niyang nakita ang kuya ko nang magkaroon ito ng basketball game last year. Panay ang kwento niya na tahimik ko lang na pinakikinggan. Akala ko, unti-unting mawawala ang nararamdaman ko para sa kanya… total, simpleng physical attraction lang naman yun. Ang hindi ko alam, habang nakakasama ko siya araw-araw tuwing uwian, lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya. Bagay na hindi dapat dahil iba ang gusto niya. “Pwede mo bang itanong kay Mark kung pwede ko siyang mging date sa prom bukas?” tanong niya maya-maya. Katulad ng dati, nagkita kami sa rooftop ng building namin. Napalingon ako sa kanya na masayang nakangiti habang hinihintay ang sagot ko. “Sige itatanong ko mamaya pag-uwi ko,” sagot ko sa kanya sabay pilit na ngumiti. “Yey!! The best ka talaga Josh! Excited na ko sa prom alam mo ba? Timing pa kasi wala ng girlfriend ngayon yung kuya mo! Sana may pag-asa ako kapag nagtapat ako sa kanya sa prom!” tuwang-tuwang sabi nito. “Magtatapat ka na?” gulat kong tanong sa kanya. “Oo! Nakapagdecide na ko! Wala namang mangyayari kung hindi ako gagawa ng paraan para mapalapit sa kanya ei! And besides, baon ko naman lahat ng kwento mo about his likes and dislikes kaya alam kong hindi ako mapapahiya!” confident pang sabi nito. Pakiramdam ko, may pumipiga sa puso ko. “Kung ganun… good luck!” nakayuko kong sabi sa kanya. Tumayo na ito. “Tara! Uwi na tayo!” yaya nito. Nanatili akong nakaupo. “Hindi ka pa ba uuwi?” rinig kong tanong niya. “Mamaya na siguro ako, mauna ka na lang muna ngayon,” sabi ko sa kanya. Pumayag naman ito at iniwan niya na akong mag-isa. Ang totoo, kagabi ko pa tinanong si kuya Mark kung may partner na ba siya sa prom at sinabi naman nitong wala pa kaya tinanong ko siya kung pwede ba niyang maging partner si Bianca. Walang pagdadalawang-isip na pumayag ito. Tumayo ako at lumapit sa net na humaharang sa mga gilid. Tanaw ko mula dito ang parking lot kung saan ko sinabi kay kuya na hintayin niya si Bianca. Maya-maya pa, lumabas na ng building namin si Bianca. Nilapitan agad ito ni kuya na mukhang ikinagulat nito. Napangiti ako. I’m sure masaya siya ngayon. The girl I love… Tumalikod na ako at umalis sa lugar na iyon. Kinabukasan, hindi ako pumasok. Tutal, wala namang regular class dahil lahat ay nagpeprepare para sa gaganaping JS Prom bukas. Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kay kinapa ko ito sa tabi ko. From: Bianca Neh it’s ur deed ryt? Ung pagsundo ng kuya mo khapon? Wah! It’s lyk a dream come true! Thankiess Josh! Anything for you… Hindi ko na ito nireplayan at saka bumalik sa pagtulog. Kinabukasan, dumating na ang araw ng JS Prom. Lahat ay abala. Lahat ay excited. Maliban sa’kin. “Hoy Josh! Bumangon ka na dyan! Magsukat ka na ng isusuot mo mamaya!” rinig kong sigaw ni ate Euri mula sa labas. Dinilat ko ang mata ko at tumitig sa kisame. Pupunta pa ba ako? “Kapag hindi ka lumabas diyan, matutulog ka mamaya na sira ang pintuan!” tumayo na ako at pumunta sa may pintuan. Pinagbuksan ko si ate Euri na naghihintay sa labas. “What took you—anong nangyari sa’yo?” napataas ang kilay ko sa reaksyon nito. “Bakit?” mahina kong tanong sa kanya. “Don’t tell me hindi ka na naman kumain kagabi?” nag-iwas ako ng tingin at saka bumalik sa loob. Hinayaan ko lang na bukas ang pintuan dahil alam kong susunod siya sa loob. “Ano bang problema mo?” singhal niya. “Wala lang ‘to ate Euri..,” sagot ko sa kanya sabay upo sa kama ko. “Itsura ba yan ng magjeJS Prom mamaya?” nakataas ang kilay na sabi nito. Napaismid ako. “Hindi na lang ako pupunta. Wala naman akong gagawin dun ei,”sabi ko sa kanya. “Babae yang pinoproblema mo noh?” tanong ni ate Euri na may halo pa ng pang-aasar. Hindi ko siya sinagot. “I’ll take that silence as a ‘yes’… so may iba bang gusto yang girl?” “Si kuya Mark…” “Si Mark? May gusto siya kay Mark?” napatango ako. “Then you should really come,” napatingin ako sa kanya. Napakunot ako ng noo. “Para san pa? Partner sila ni kuya mamaya! Saling-pusa lang ako dun!” “Knowing your brother, I’m sure mambababae lang yun mamaya! Kaya dapat pumunta ka para icomfort yung babaeng gusto mo!” “Pero—“ “Make her fall for you tonight! Ipagtapat mo ang nararamdaman mo para makaalis ka sa friend zone!” payo ni ate Euri. Can I really do that? “Paano kung mabasted ako?” tanong ko sa kanya. “At least you tried,” nakangiti nitong sabi. Dumating ang oras ng prom. Sabay kami ni kuya Mark na sumundo kay Bianca since iisang kotse lang naman ang dala namin at siya ang driver. Hindi ko maiwasang mapahanga nang makita siyang nakasuot ng isang black evening dress na mas lalong nagpatingkad sa ganda niya. Nakalugay yung mahaba at medyo kulot nitong buhok na dinadala ng hangin habang naglalakad siya. “You look gorgeous!” rinig kong sabi ni kuya dito. Namula naman si Bianca. Inalalayan ito ni kuya para sumakay sa passenger’s seat at saka kami tahimik na pumunta sa venue. Marami ng tao nang makarating kami dito. “Josh! Lika dali! Kayong dalawa escort ko sa entrance!” sabi ni Bianca sabay hila sa akin. May picture-taking kasi sa entrance bago ka lumakad sa red carpet papasok sa mismong hall. Pagkatapos kaming kuhanan ng picture, binitiwan niya na ako at nauna sila ni kuya na pumasok habang ako ay nakasunod lang sa kanila. Naisip ko yung pag-uusap namin nila ate Euri kanina. Kaya ko ba? Kaya ko bang magtapat sa kanya? Nagsimula na ang program at kainan. Matapos ang ilang sandali pa, inannounce na ang pagsisimula ng sayawan. Una ay ang mga performance tulad ng coutilion at mga special numbers. Nang sabihin ng emcee na pwede ng magsayaw sa gitna, agad na hinanap ng mata ko si Bianca. Nakita ko itong nakaupo kasama ng mga kaibigan nito sa isang mesa malapit sa amin. Lalapit pa lang sana ako dito nang bigla itong tumayo at puntahan si kuya na nakatayo malapit sa kanila kausap ang mga kaibigan nito. Saglit silang nag-usap at maya-maya, gumawi na sila sa gitna. It was her first dance… Wala na. Alam kong magtatapat na si Bianca kay kuya. Though kahit ako hindi ko alam kung pagbibigyan ba siya ni kuya o hindi. Tiningnan ko lang sila habang nagsasayaw. Maya-maya, may lumapit sa kanilang isang pamilyar na babae at biglang pumagitna sa kanila. Nagulat ako pati na rin ang ibang malapit sa kanila nang bigla nitong hilahin si kuya at halikan. Naaalala ko na kung sino yung babae. Isa siya sa mga naging girlfriends ni kuya before. I think her name is Honey. Mukhang hindi alam ni Bianca kung anong gagawin lalo pa at mukhang tinugon ni kuya ang halik nung babae. Naglakad ako palapit sa kanila at hinila si Bianca. Nagpumiglas ito nung una pero maya-maya, nagpadala na lang din siya sa akin. Dinala ko siya sa isang gilid kung saan kaunti lang ang tao. Narinig ko ang bahagya niyang paghikbi. Shiz. Umiiyak siya! “Bakit? Bakit ngayon pa kailangang umextra yung babaeng yun?” sabi nito sa pagitan ng mga hikbi nito. Inabot ko naman sa kanya yung panyo ko na tinanggap naman nito. “Ex yun ni kuya,” sabi ko sa kanya. “Alam ko! At alam ko rin na of all her past girlfriends, yung babaeng yun ang nagtagal sa kanya!” sigaw nito sa’kin. “And here I was thinking na may pag-asa na ko dahil wala na sila,” inalalayan ko itong maupo. Iyak pa rin ito ng iyak. Tumabi ako sa kanya. “Gaganti ako! Gaganti ako sa kanya Josh! Tulungan mo ko!” sabi nito maya-maya. Pinunasan nito ang luha nito at saka tumayo. “Anong plano mo?” tanong ko sa kanya. Ngumiti lang ito at saka kinuha ang kamay ko. Dinala niya ko sa pwesto malapit kina kuya kung saan kasayaw na nito si Honey. Inihawak niya sa beywang niya yung mga kamay ko at saka niya hinawakan ang balikat ko. Ang lapit namin sa isa’t isa pakiramdam ko gustong kumawala ng puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito. “Neh Josh… wala ka bang gustong sabihin sa’kin?” nang-aakit nitong tanong. Is this my chance? Tiningnan ko ang mga mata niya. Parang gusto nitong sabihing wag akong matakot magsalita. “I… I like you Bianca,” mahina kong sabi sa kanya. “Ano ulit?” “I like you!” ulit ko sa sinabi ko. “Lakasan mo!” sabi nito sabay tawa. “I like you Bianca Marie Fortez! I like you so much!” malakas kong sabi sa kanya. Natawag na namin ang pansin ng mga nasa malapit sa amin kasama sila kuya. “You like me? Too bad… I don’t like you at all,” walang ekspresyon na sabi niya sabay bitaw sa akin. Narinig ko pa ang reaksyon ng mga tao sa paligid namin. Hindi ko alam kung paanong parang bumagal ang pag-ikot ng mundo ko nang mga oras na iyon. Pakiramdam ko, hindi ako makahinga. “Sabi ko na nga ba’t magkakagusto ka sa’kin ei! Yung mga tipo mo pa man din yung mga madaling utuin!” nanatili lang akong nakatingin sa kanya habang tuloy pa rin siya sa pagsasalita. “Your brother breaks my heart so I’ll break yours too total importante ka naman sa kanya!” Hindi… hindi siya yung Bianca na kilala ko. Hindi ganyan ang Bianca na minahal ko. “Tigilan mo na ang kakailusyon mo na balang-araw magugustuhan kita ‘cause that’s very impossible to happen!” Tama na… “Kung sana kasi nabiyayaan ka man lang ng kuya mo ng kasikatan eh di baka pwede kitang pagtiisan kaso… you’re just a nerd.” Tumigil ka na… Rinig ko ang mga bulungan ng mga tao sa paligid ko. Ang mga pagtawa nila na may halong panghuhusga. Ang mga tinging pinupukol nila sa’kin na para bang nakagawa ako ng malaking kasalanan. Gusto ko ng mawala… tumakbo… tumakas… Naramdaman kong may tumulak sa likod ko kaya napasubsob ako sa isa sa mga mesa. Nagulat din ang lahat sa nangyari. Naramdaman ko pa ang paghulog ng salamin ko bago ako mawalan ng malay. Nang mga sumunod na araw, nabalita sa buong campus ang nangyari sa prom. Naging tampulan ako ng kantyawan at pambubully. At si Bianca… tuluyan ng lumabas ang tunay niyang kulay. Hindi pala siya katulad ng inaasahan ko. She’s not an angel… *** Nabalik sa kasalukuyan yung isip ko nang magring bigla yung cellphone ko. Lumapit naman ako sa kama ko at kinuha ito. Ericka calling… “Hello?” sagot ko sa tawag. Pinakinggan ko siya at napalaki ang mata ko sa narinig. Agad kong binaba ang tawag at lumabas ng kwarto. “Saan ka pupunta? Gabi na ah!” rinig ko pang tanong ni ate Euri habang nagmamadali akong lumabas. “Babalik din ako!” sigaw ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD