Nakasunod lang sa akin si uncle habang naghahanap pa ako ng mga gamit na pwede kong mabili para sa apartment. Naisip ko na magpalit na rin ng toothbrush holder sa banyo, at mga pot holder sa kusina. “You look like a housewife now babe.“ Sabi ni uncle sa akin kaya napatingin ako dito at napangitu lang. “Is that even a compliment?“ Tanong ko dito kaya napangiti ito at tumango. Kinilig ako at hindi na nagsalita pa, lalo tuloy akong nanabik na mayakap ito. Gusto ko nang matapos agad ang pamimili ko para mahalikan ko na ito agad. Pero ayaw kong ipahalata ang pagkasabik ko dito dahil ayaw kong mag-isip o lumaki ang ulo nito kapag pinaramdam ko ito dito. Nang matapos ako ay pumunta na kami sa cashier at agad akong nagbayad, gusto pa nga na ito ang magbayad pero sinamaan ko lang ito ng ting

