Chapter 25
KIRK CALEV POV
NAPANGITI AKO, matapos patayin ni Kaia ang tawag at ibaba ko ang cellphone sa kama. Tinatawag na kasi siya ng mama niya. Gusto ko pa sanang makausap siya nang mas matagal, pero kailangan na niyang maghanda para pumasok sa trabaho.
Sobra akong nasisiyahan sa presensya niya, kahit alam kong mali ang ginagawa namin. Hindi ko dapat siya inaangkin, dahil hindi ko naman siya girlfriend o asawa. Pero sa tuwing magkasama kami, parang nawawala sa isip ko ang tama at mali.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Sa tuwing magtatagpo kami, gusto ko siyang angkinin ng paulit-ulit, hanggang sa masanay na ako sa bawat halik, sa bawat gabi naming magkasama.
Linggo-linggo kaming nagkikita. Magba-bonding muna kami, at pagkatapos no’n, saka namin ginagawa ang bawal. Hindi ko na kayang lumayo. Nahuhulog na ako sa kanya. At mahirap ng lumayo sa kanya.
Sa tingin ko 'din ay gano’n rin siya. Kung hindi, bakit siya papayag na mangyari sa amin iyon nang paulit-ulit? Ramdam ko naman na nag-eenjoy siya sa presensya ko, tulad ng pag-eenjoy ko sa kanya. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng pagkahumaling.
Hindi ko kasi ito naramdaman kay Emily, ang babaeng gusto ni Papa para sa akin, pero ni minsan ay hindi ko nagustuhan.
Napabuntong-hininga ako habang papunta sa banyo para maligo. Uuwi pa ako sa mansion bago pumasok sa opisina.
Napangiti pa ako habang tumatama ang malamig na tubig sa balat ko, lalo na’t bigla kong naisip si Kaia. Ilang beses ko rin siyang inangkin dito sa banyong ito. Subrang sarap niyang angkinin, lalo na kapag naririnig ko ang mga ungōl niya, ‘yung tipong parang musika sa pandinig ko. Minsan nga, pakiramdam ko nandito pa rin siya, parang naririnig ko pa ang boses niya.
Bigla tuloy akong tinigāsan. Pero agad kong tinapos ang pagligo, ayaw kong magkamay, kung hindi si Kaia lang ang gusto kong pawiin ang init ng katawan ko.
Lumabas ako ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya sa beywang, kinuha ko ang mga nakakalat kong damit sa sahig, saka nagbihis. May extra akong shirt sa kotse kaya doon na lang ako magpapalit.
Matapos magbihis, kinuha ko ang wallet at cellphone sa bedside table at lumabas ng silid. Pumunta ako sa elevator at bumaba.
Pagdating sa parking, agad akong sumakay sa kotse at nagpalit ng bagong shirt. Hindi ko na pinalitan ang pantalon ko. Pagkatapos, pinaandar ko ang makina at umalis.
Uuwi muna ako sa mansion bago dumiretso sa opisina. Ako naman ang boss, kaya kahit late ako, walang problema.
Pagdating ko sa bahay, bumusina ako para pagbuksan ng gate.
Lima ang katulong ko sa mansion, malaki kasi ang bahay, kaya kailangan ng katulong.
Ilang sandali lang, bumukas ang malaking gate. Pumasok ako at ipinarada ang kotse sa garahe. Pagbaba ko, sinalubong ako ng isa sa mga katulong.
“ Good morning, sir.” Bati ni Aling norma sakin.
“ Good morning,” Sagot ko, saka tuloy-tuloy akong naglakad papasok sa loob ng bahay.
Ang mansion na ito ay akin, pinatayo ko ilang taon na ang nakalipas. Gusto kong bumukod sa mga magulang ko. Pero hindi ako nag-iisa dito.
“Hi, babe,” Bungad ni Emily, ang asawa ko, at kababata.
Oo. May asawa na ako.
At kaya hindi ko nililigawan si Kaia, ay dahil alam kong mali. Ayokong masaktan si Kaia, pero alam kong masasaktan ko rin siya sa bandang huli.
Ang problema, hindi ko na kayang lumayo. Sanay na ako sa presensya niya. Lalo na ngayong may nangyayari na sa amin. Nahuhulog na ako, at alam kong delikado iyon.
Kinasal kami ni Emily isang taon na ang nakakaraan, dahil sa kagustuhan ng aming mga magulang. Wala pa kaming anak. Ni hindi ko man lang siya ginagalaw. Hindi dahil sa wala siyang ganda, maganda si Emily, pero kapatid lang ang turing ko sa kanya.
Magkaiba kami ng kwarto. At tuwing dumarating lang ang mga magulang namin, saka kami nagkukunwaring mag-asawang magkatabi sa kama.
Alam niyang hindi ko siya mahal. Pero mahal niya ako.
At hinahayaan niya ako sa mga gusto kong gawin, maliban na lang sa mangbabae. Dahil ayaw niyang palitan ko siya sa buhay ko. Mabuti nga ay hindi niya nalalaman na may kinalolokohan akong babae. Mabuti na lang ay tuwing weekend kami nagkikita ni Kaia. Kaya siguro, hindi nakakatunog si Emily.
“Hello.” Malamig kong bati sa kanya.
“Inuumaga ka ata ngayon?” tanong niya pa habang bumababa ng hagdanan.
“Bakit, aawayin mo ba ako?” Tugon ko habang nakatingin dito.
“No, babe,” Nakangiti niyang sagot sabay yakap sa braso ko. “ Wala ka namang kasamang babae kagabi, right?”
“ Wala.” Tipid kong sagot sabay lunok ng laway. Hindi pwede makahalata si Emily na may babae akong kinakatagpo tuwing linggo. Panigurado ay gulo ito.
“Hmm, okay. Gusto mo bang kumain? Ipaghahanda kita.” Alok pa niya sakin.
“No thanks. Aakyat na ako taas.”
Aniya at inalis ko ang kamay niya sa braso ko at tuloy-tuloy na naglakad paakyat ng hagdan.
Mabait naman si Emily. Sweet. Pero kahit anong pilit, hindi ko siya magustuhan. Hindi ko siya minahal noon, at hindi ko siya mahal ngayon.
Dalawang taon na ang nakalipas nang malugi ang kumpanya namin. Humingi ng tulong si Daddy sa ama ni Emily, magkaibigan sila. Kapalit ng tulong ay ang kasal namin ni Emily.
No’ng una, tumanggi ako. Pero nang inatake sa puso si Daddy, nakiusap si Mommy na tanggapin ko ang kasal. Napilitan akong pumayag, kahit hindi ko siya mahal.
Kaya ngayon, hindi ko maligawan si Kaia. Dahil may asawa ako.
At ayokong saktan si Emily o masaktan si Kaia.
Pero paano kung pareho na silang masasaktan, kahit anong piliin ko?
Pagdating ko sa kwarto, agad akong naligo ulit. Mabilis lang, limang minuto. Paglabas ko, nagtapis lang ako ng tuwalya.
Nagulat ako nang makita ko si Emily sa loob ng kwarto ko.
“What are you doing here?” Tanong ko sa kanya.
“Nothing.” Sagot niya, sabay kibit balikat. “Asawa mo naman ako, ‘di ba? May karapatan akong pumasok dito at asikasuhin ka.” Dagdag pa nito habang lumalapit sakin,
“Huwag na,” Tipid kong tanggi. “Hindi mo kailangang gawin ‘yon. Hindi naman talaga tayo mag-asawa,kasal lang tayo sa papel.” Walang preno na sabi ko, para malaman niyang hindi ko talaga siya mahal. Mga magulang lang naman namin, ang may gusto nito, kung bakit kami kasal. Dahil magkaibigan ang mga magulang namin.
Tinalikuran kona siya, after that, at pumasok sa walk-in closet. Hindi ko na nakita ang sakit sa mukha niya bago siya tuluyang napayuko ng ulo.