CHAPTER TWENTY

2165 Words

PAGDATING ko sa bahay ni Zyl ay nakakabingi ang katahimikan. Nakapatay na ang ilaw sa ilang parte ng bahay. Nang tingnan ko ang malaking orasan ay pumapatak na ng alas onse ng gabi. Marahil ay tulog na sila. May pagkakataon na akong silipin si Zea kahit mula lang sa pintuan ng kwarto nito. Lakad-pusa ako habang tinatalunton ang hagdanan patungo sa kwarto ni Zea. Nagulat ako nang natabig ng siko ko ang isang plorera ngunit nasalo ko na iyon bago pa mahulog sa semento. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Wew! That was close! Nang marating ko ang pintuan ng silid ni Zea ay pinihitbko ng door knob at nalamang hindi iyon naka-lock. Kinakabahan akong buksan iyon dahil baka gising pa ang anak ko. Ngunit wala akong naririnig n kahit kaunting ingay sa loob ng silid kaya marahan ko iyong binuksan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD