Tinipa ko ang 'enter' sa aking keyboard bago tumayo. Matatagalan ang process sa pag-ayos ng mga panels pero ayos na ito. Maaari ko ng hindi tutukan ng atensyon.
Lumapit ako sa bintana at hinawi ang kurtina para silipin ang lalaki na ngayon ay natunganga sa harap ng kaniyang ship. Napatawa ako.
"Surprise," bulong ko.
Siguradong ngayon palang ay iniisip niya na kung saan siya matutulog sa mga susunod na araw. Sinigurado ko na masisiyahan siya sa welcome gift ko dahil na-enjoy ko rin naman ang regalo niya nang dumating.
Kinuha ko kahapon ang importanteng pyesa na kakailanganin niya para mapaandar ulit ang sasakyan. Mahirap itong hanapin at halos wala na sa mundong ito. Kung ordenaryong tao lang ay hindi agad magagawa ang pyesang ito.
Nakaramdam ako ng hapdi kaya tinaas ko ang damit para silipin ang sugat na ngayon ay dumudugo. Tinanggal ko ang benda bago lumapit sa banyo para linisin ang sugat gamit ang alcohol. Dumaing ako ng mahina at kinagat ang ibabang labi. Ngumuso pa ako nang makitang sariwang-sariwa pa ang sugat. May natatanaw pa akong laman kaya napangiwi ako. Mukang matagal itong maghihilom kaya kumuha ako ng karayom at sinulid. It is my mom's medical materials. Mas mabilis na magdidikit ang mga tissue sa ganitong paraan. Hindi naman ganoon kasakit dahil parang namanhid na sa alcohol na ibinuhos.
Parang kagat lang naman ito ng dinosaur.
Tinapos ko ang paggamot bago nagpalit ng damit. Sumusipol akong lumabas ng bahay dahil ako ay na sisiyahan sa gagawing pang-aasar sa alien na iyon.
This is my world so he's an alien to me.
Agad kong namataan ang lalaki mula sa malayong parte. Swabe akong naglakad palapit dahil malapit doon ang flower field. Para akong rumarampa sa isang fashion show na sobrang confident.
Medyo malayo ang flower field mula sa bahay ko kaya hiningal ako sa paglalakad. Kahit pa umaga ay tumagaktak ang pawis ko sa noo. Pinahid ko ang pawis gamit ang likod ng palad.
When I was halfway through, he noticed my arrival. That made him stand up. Ang postura niya ay para siyang nag-aabang ng kaaway.
Ang madilim niyang awra ang nagbibigay ng chilling vibes sa kaibituran ko. Nakakunot ang noo niya. Parang iyon ang pinaka magandang bagay na nagawa niya sa buong buhay niya.
Walang duda. Army ka nga.
Ngumisi ako sa isip ko. Alam ko kung bakit mo ko inaabangan. I know what you need and I am glad to see you blowing your mind for the missing piece. 'Di ka makakaalis dito.
You pestered me so bad. Natutuwa ako sa'yo. Pasalamat ka nga 'di kita tinanggalan ng parte ng katawan tulad ng ginawa ko sa mga kapwa mo army. Be grateful that you are still complete.
Malapit na ako sa kaniya.
Hindi ko maintindihan ang biglang naramdam nang malapit na ako sa prisensya niya.
It makes my heart beat slow.
It's not the feeling of me liking him. As if, 'no. Gwapo siya pero wala akong iniisip kung hindi ang fact na taga Hyacinth siya. He's an army and I loathe them so much. Kakaibang kaba.
Kabang nanunuot.
Pinawi ko ang nararamdaman at ngumisi sa kaniya bago kumaway dahil nasa harap ko na siya. Mas lalo akong natuwa sa itsurang isinalubong niya sa akin. He looked exhausted as hell.
"Leaving? Pasabi sa Presidente niyo buhay pa ako. Alive and I don't have plan on losing it." I winked at him.
I acted that I am sad but quickly replaced it with a grinning face.I even rolled my eyes to show how sarcastic I am before turning my back on him but before I make a single step the alien stopped me.
"This ship isn't working. I can't figure out what's wrong with it," aniya.
I faced him and tilted my head.
"So? Are you asking for my help?" Ngumisi ako.
Umiwas siya ng tingin at napakagat sa ibabang labi. Napatingin ako doon dahil namula ang labi niya sa ginawang pagkagat.
"Nevermind," iyon lang ang sinabi niya bago ako mabilis na tinalikuran.
Ashamed for asking help to the person you attempted to kill last night?
Ang in-appropriate naman talaga na humingi ng tulong sa taong pinagtangkaan mong patayin. No one on Earth will do that, pero since hindi siya taga Earth. May exception.
I just shrugged my shoulders to show how much I cared.
"Sorry, I don't know things about alien ship. Try following your manual or ask for help to your fellow aliens," sabi ko. Mas nilawakan ko ang ngisi ko.
Alam kong nakuha na niya ang ibig-sabihin ng makahulugan kong gesture kaya hindi na lang siya nagsalita pabalik.
Tinalikuran niya ako para pumasok sa kaniyang sasakyan. Ako naman ay nagtungo na sa flower field dahil bukod sa asarin ang lalaking iyon, ito naman talaga ang plano kong pagtuonan ng pansin ngayong araw.
Pumasok ako sa storage room para kumuha ng mga gagamiting tools para sa pagsasa-ayos ng mga nasirang halaman. Madami-dami ang mga nasira kaya baka abutin ako ng ilang araw sa pag-ayos nito.
Magtanim nga talaga ay 'di biro.
Sinimulan ko na ang pagtatrabaho. Una kong nilinis ang mga natuyong halaman at nilagay sa garbage bin. Winalis ko iyon. Umabot pa ako sa sasakyan ng lalaki dahil hanggang sa ilalim no'n ang damage.
Sa pagwawalis palang ay inabot na ako ng kulang-kulang isang oras sa sobrang lawak ng nasira. Bakit hindi nalang kasi ginawang maliit ang ship niya, iisa lang naman niyang nakasakay.
I stopped a bit and removed my sweats running down my chin.
Kumirot konti ang sugat ko kaya iniangat ko ang sleeve ng damit para tignan kung nagdugo ito. Hindi naman kaya ok lang. Hindi naman ganoon kasakit.
Bearable pa naman ang sakit at kayang kaya pang kumilos. Mas nakaka-relax na mag-ayos ng mga halaman kesa tumunganga sa bahay , matulog at isipin ang lalaking ito.
"The winter is coming and I know how much you all love that weather," pakikipag-usap ko sa mga halamang inaayos habang nakangiti.
Lumalabas kasi ang iba't-ibang kulay nila sa panahong iyon at tingin ko ay mas masigla sila doon. Halos lahat ng klase ng halamang ito ay meron ako. Nakakatuwa lang dahil libo-lobo man ang variety nito ay nagagawa ko pa rin silang alagaan. Convenient naman at madaling alagaan dahil maliliit lang.
Pinunasan ko ulit ang aking pawis na tumulo. Magtatanghalian na at hindi ko pa nakakalahatian ang gawain. Tumayo ako at nilingon ang lalaki. Napaangat ang isa kong kilay nang makitang nakaupo ito sa isang bakal na bloke at nakatanggal ang kanyang pang-itaas.
Hindi ko intensyon na maglakbay ang mga mata ko sa katawan niya kaya umiling-iling ako bago iniwas ang tingin.
Pawisan ang katawan niya at may pigurang makikita mo sa mga magazine at TV pero ang kutis niya ay mukang malambot at maputi. Hindi mukang pang army ang kutis niya. Nangingintab sa sikat ng araw dahil sa pawis.
Hindi ko gaanong naaninag kagabi pero ngayon ay tandang tanda ko na kahit hindi ganoon katagal ang minuto na napasulyap ako.
Napalunok ako hindi dahil sa katawan niya kundi dahil nanuyo ang lalamunan ko sa uhaw. Iinom sana ako nang maalala kong wala nga pala akong dalanh tubig.
Lumapit nalang ako sa gripo na pinanggagalingan ng tubig na idinidilig sa mga halaman pero napangiwi ako dahil naalala ko na meron nga pala itong fertilizer. Halos iuntog ko ang ulo sa pader. Focus!
"I have water. More clean than what you are supposed to drink," malalim na ingles ng lalaki kaya napalingon ako and yes, he's watching me.
Hawak niya ang hindi pa bawas na plastic bottle ng tubig.
"No thanks. I have trust issue."
Anong malay ko kung babalakin na naman niya akong patayin. Ayokong mamatay na mukang tanga.
Binuksan niya ang bote at ininuman ito.
"I'll die first if I put something here. Go drink before you dehydrate yourself," aniya.
Napalunok ako sa uhaw kaya lumapit ako at kinuha ang tubig na ini-offer niya. Uminom ako mula sa bote.
Hindi indirect kiss iyon dahil hindi naman niya isinagi ang labi sa bunganga ng bote noong uminom siya.
Napapikit pa ako sa sarap ng tubig. Matamis namin ito. Ito ba ang tubig na galing sa mundong iyon?
Kaya pala adik na adik sila roon.
Hinagis ko pabalik sa lalaki ang bote bago bumalik sa ginagawang pag-aayos. Nanakit ang likod ko sa pagyuko. Kaasar talaga. Hindi naman ako mapapagod kung hindi dahil sa pwsteng lalaki na ito. Nahihirapan tuloy ako. Namatayan pa!
Lumipas ulit ang ilang oras kaya napagpasyahan kong tumigil na muna.
Umupo ako saglit para magpahinga. Iniangat ko ang aking palapulsuhan para tignan ang oras. Tanghalian na pero hindi pa ako nakakaramdam ng gutom. Ang kasama ko naman ay nagpapahinga na ulit matapos sayangin ulit ang oras sa pag-ayos ng sasakyan niya. Siguradong 'di niya alam kung anong aayusin para mapaandar ang ship niya.
Ang pang-ibaba niya ngayon ay madungis at puno ng kung ano-anong dumi. May konting bahid ng langis sa kanyang braso pero hindi ito ang magiging dahilan para magmuka siyang gusgusin. Kahit ata tapunan mo siya ng langis sa buong katawan ay mapapahiyaw pa ang mga oil company para kunin siyang endorser.
Umiling ako sa mga naiisip.
My gesture made him look at my side. Hindi ako tumingin sa kaniya at kitang kita ko sa peripheral vision ko ang malalim niyang tingin.
"Are you really ok?" He asked.
Tumango ako. "Something just pestered my mind," tugon ko.
"I'm really sorry," aniya kaya nilingon ko siya.
"H'wag kang magsorry. I know you'll do it again like you said." I felt like last night wasn't the first time that he tried killing me. It bothers me even more.
Hindi siya umapela sa sinabi ko kaya baka nga totoo na gagawin niya ulit.
Nilingon ko siya.
Wala ng bago sa buhay ko.
"I don't really care if I die now. What I care is dying like a fool and alone. That doesn't suit me. Kaya hangga't kaya ko, I will live here even after everyone left me." Ngumisi ako. Amusement filled his eyes.
"You didn't chose to stay," pahayag niya.
Tumango ako at hindi sumagot sa sinabi niya. Sino bang taong pipiliin na maging mag-isa?
"Maybe you did something unforgivable," madiin niyang saad. May bahid ng galit ang mga salita niya.
Napatawa ako.
"I did."
His jaw clenched. Namumutawi ang galit sa kaniyang muka. Hindi ko alam kung para saan ang galit na iyon kaya nakaramdam ako saglit ng konting takot bago ko iniwas ang tingin.
The only unforgivable thing I did was creating that world. I am the root and I deserve to be left here. Masaya na ako rito. I am enjoying the life I have created.
Dying is not my punishment. It's being left alone by everyone and no one cares if you are still breathing. Iyon ang pinakamasaklap na matatanggap ng isang taong gumawa ng malaking pagkakamali.
Tumingin ako sa langit. I hope you are doing fine there.
"What did you do?" Tanong niya.
"Why care to ask? Sigurado namang sinabi na sainyong mga Hyacinth army kung anong ginawa ko at kung bakit ako iniwan dito. I bet you have my picture too."
Tumango siya. Tama ako, hanggang sa kadulu-dulohan naman ay hindi ako titigilan ng Tatay niya. Everyone should know who I am but everyone should think that I deserve to die. Imposibleng walang hindi nakakakilala sa akin. Ako ang national villain ng mundong iyon.
"Do you agree with all the accusations?"
"Everything is about he said, and I said now. H'wag kang maniwala sa kahit anong sinasabi lang sayo. Kahit sa'kin. What matters is what you are witnessing." Tumayo ako at naglakad paalis. Nakaramdam ako ng gutom kaya siguro ay uuwi muna ako. Tama na ang pakikipagdaldalan sa lalaking ito.
Habang naglalakad ay naramdaman ko siya sa likod ko na sumusunod. Humarap ako ulit.
"Sa'n ka punta?" Tanong ko.
"Your house. I'm starving," sagot niya.
Kumunot ang noo ko.
"Ang daming bahay na naiwan sa mundong 'to. Kung gusto mo pumunta kang mall o convenient store, hindi pa ubos ang mga pagkain doon."
Ang kapal nito. Kala mo tapik lang ang ginawa sa akin kagabi kung makaasta parang close kami.
"Mas malapit 'yang sa iyo."
"So? Ayoko," saad ko bago siya tinalikuran at naglakad pero nakasunod pa rin siya. I rolled my eyes. Bwisit talaga itong lalaki na ito. Sagad ang kakapalan ng muka.
Hinayaan ko siya sa pagsunod sa akin. Pagdating sa bahay ay binalak ko siyang saraduhan ng pinto pero mabilis siyang nakapasok na parang wala lang. Na parang bahay niya ito!
Tinitigan ko siya ng masama. Halos ibato ko sa kaniya ang mga bagay na malapit sa kamay ko sa inis. Walang pakundangan siyang umupo sa sofa.
Ilang minuto siguro akong nakatayo sa gilid niya habang pinapatay siya ng matatalim na tingin. Iginagala niya lang ang mata na parang pinagmamasdan ang bahay ko. Walang pake-alam sa prisensya ko.
I rolled my eyes before marching away. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng malamig na tubig at ng mapalamig ang mainit na ulo pero nagulat ako dahil nakasunod pa rin siya.
I got my que that he wants cold water too so I got another glass and poured water in it. Inilapag ko sa counter ang tubig niya bago nagbukas ng cupboard para tignan kung anong pwedeng tanghalian.
Habang nagtitingin ng ulam ay napatigil ako at naisip ang ginawang pagbigay sa kaniya ng tubig.
Why the hell I did that?!
Nilingon ko siya na ngayon ay umiinom. Kumunot ang noo ko. My gesture made me feel something like I did those things before. It's like a hobby.
I tried closing my eyes trying to remember why that gesture feels like something. May iba. Parang paulit ulit ko na iyong ginawa noon kaya kahit inis ako sa lalaking iyon ay nagawa ko siyang bigyan ng tubig.
I know, masyado akong OA pero kung nasa tamang katinuan ako, hindi ko siya bibigyan ng tubig.
Wala akong napala sa pag-alala. Masyado lang siguro akong napapraning. I shaked my head and laugh a little for the silliness I am thinking.
Iniangat ko ang kamay ko para manguha ng delata.
Tinatamad akong magluto kaya mag dedelata lang ako ngayon.
Pag harap ko, siya agad ang nabungaran ko. Nakatayo siya sa pinag-iwanan ko ng tubig. Pinapanood niya ang bawat galaw ko pero wala akong pake sa kaniya. Kumuha ako ng plato at mga kubyertos. Nagsandok din ako ng kanin galing sa rice cooker.
Binuksan ko ang delatang ulam at isinalin sa mangkok. Umupo ako at agad na sumubo dahil gutom na talaga ako.
Nakakailang subo na ako bago siya nilingon at tinaasan ng isang kilay dahil nakatunganga pa rin siya sa kinatatayuan.
Pinasadahan niya ng tingin ang ulam ko.
"It looks like cat food." I glared at him. Ang yabang naman nito para insultuhin pati pagkain ko.
"Well, I'm sorry if I don't have your fancy wine and steaks," pasarkastiko kong sabi.
Lumapit sya sa ref at binuksan ang freezer. He's trying to look for something to cook perhaps. I rolled my eyes. As if may maluluto siya riyan.
"You have nothing here," aniya.
I just shrugged my shoulders and continued eating.
"Go shopping. Madaming grocery sa labas. Plus, it is free." Sumubo ako ulit kahit puno pa ang laman ng bibig.
Lumingon siya sa bintana pero wala siyang ibang makikita kung hindi puno at d**o. My house is kilometers away from the town where I am getting my supplies. Pwede naman akong tumira roon para mas malapit ang resources but I like it here. I have grass under my foot. There's tree here. It's where I lived before and I have here my hectares of flowers.
Mas mahalimuyak ang hangin rito.
"Malayo," sagot niya.
Buti alam mo.
Nagpatuloy ako sa pagkain. Siya naman ay inimbita ang sarili na maki-kain sa akin. Kumuha siya ng sariling plato at kanin at naki-ulam na rin sa delata kong ulam. Yes, makapal talaga ang muka niya. Gusto ko ngang sapakin e para malaman kung gaano kakunat. O kaya itarak sa balat niya ang hawak kong tinidor.
But since I'm not in a mood. Mas ok na magtimpi. I want to eat peacefully.
Muka pa siyang nandidiri sa ulam kong delata nang akmang sasandok siya. Ngumuso ako. Gaano ba kayaman itong lalaking ito noon sa mundong ito? Surely kababayan ko ito dahil nagkakaintindihan kami ng lingguwahe ko.
Kuryusong tinusok niya ng tinidor ang tuna. Inamoy pa niya ito kaya napa-irap ako sa hangin. Our current canned food is a tuna flakes in oil. Ano bang tingin niya riyan? Cat food?
Hindi nalang ako nagsalita at sumubo pa ulit. Basta masarap itong ulam ko. This canned food is always been my favorite. Tinapos ko ang huling natitirang kanin ko bago tumayo para kumuha ng maiinom. Kinuha ko ang pinagkainan ko at nilagay sa dish washer para malinisan.
Nakatingin ulit siya sa bawat galaw ko. Umakyat ako sa taas para magbihis dahil puno na ako ng pawis mula sa kaninang trabaho.
After feeling too much sticky on my skin, I decided to take a quick bath- no, a long bath would be a nice idea.
I removed my clothes and under garments and throw it somewhere. I also removed the gauze that is wrapped around my wound. I am eager to have the cold water touch my skin kaya nagmamadali ako.
Pagpasok ko sa banyo at pinihit ko agad ang shower. Napasinghap pa ako sa lamig na dulot nito sa katawan ko.
Pagtapos maligo ay nilinis ko ulit at sugat ko. Nagbihis ako sa komportableng damit. Simpleng shorts at t-shirt lang. Lumapit ako sa istante para kunin ang earphone at phone. Kukuha ako ulit ng mga pagkain at necessary things sa grocery na malapit. Balak kong makinig lang sa music habang ginagawa ang mga gawain.
Lumabas ako ng kwarto at pababa na ako ng hagdan nang makitang lumabas ang lalaki mula sa main door. Baka babalik na siya para ayusin ang sasakyan niya.
Mabuti iyon. Para mawala naman siya sa paningin ko. Nakakatawa lang na ako ang gumawa ng paraan para mag-stay siya dito pero gustong gusto ko naman siyang mawala sa paningin ko.
Naglakad ako pababa ng hagdan at lumabas na rin. Narinig niya ang pagbukas ng pinto ko dahil sa nakasabit sa aking pinto. Maglilikha ito ng ingay kada bubuksan. Pinagsisihan kong mapatunog iyon dahil tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin.
Hindi ko siya pinansin at diretso ako sa kabilang direksyon. Salungat sa pupuntahan niya kaya napamura ako ng naglakad siya papunta sa direksyon na pupuntahan ko.
Lumapit siya sa akin.
"Where are you going? I'm coming."
I gritted my teeth. Bwisit ka talagang lalaki ka!
Ano bang makukuha mo sa kakasunod sakin?
Halos hilutin ko ang aking sintido sa sobrang kunsumisyon. Kung maaari lang ay ibusal ko ang bibig niya at itali siya sa puno para magtigil.
"Gawin mo 'yang ship mo at tigilan ako sa kakabuntot mo!"
Fine, bingi na ang lalaking ito dahil wala itong narinig. Wala siyang naging reaksyon at patuloy sa pagsunod sa akin. Pumikit ako ng mariin.
Binilisan ko ang paglalakad.
Wala akong nagawa at hinayaan siya sa gusto. As if may magagawa ako.