"Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ni Daddy kaya nagkatinginan na kaming dalawa ni Dice. May hawak na gitara ngayon si Sebastian. Ewan ko kung bakit nakakatawang tingnan pero dahil siguro hindi naman siya ganyang pumorma. Black shirt, leather pants, saka jacket na kulay itim din kaso pang cowboy ang dating. "Paanong ganyan?" walang kamalayan na tanong niya pabalik kay daddy. Tumingin sa akin si Sebastian saka nagpamewang nang makita niyang nagpipigil ng tawa si Dice. "Hindi ko na kaya," pagbugsong sabi ni Dice saka tumawa nang tumawa. "Papanik na ko." Pagseseryoso niya nang tingnan siya nang matalim ni Sebastian. "Ariel, pwede ba tayong lumabas sandali?" aya ni Sebastian saka ako minostrahan palabas ng garden. "Hay, ewan," tumatalikod na bulong ni Daddy. "'Yung boyfriend mo habang

