CHAPTER 74

2558 Words

"Bakit ang tagal mo yatang nawala?" Natigilan ako sa pag-iisip kay Sebastian at napunta kay Dan ang atensyon ko noong magsalita siya. Hanggang ngayon, hindi pa rin kasi maalis sa isip ko ang sinabi ni Sebastian. Ilang araw na rin ang lumilipas. "Ariel? Ayos ka lang ba?" Winagayway na ni Dan ang kanyang kamay sa harapan ko. "Oo naman, ano na nga 'yon?" tanong ko ulit. "Kanina ka pa tulala. May nangyari ba kaya matagal kang nawala?" alala niyang tanong. "Ah, wala naman. May inasikaso lang ako." "Tungkol saan?" Napaisip ako, lalo na nang mas lumapit siya sa pag-upo sa harapan ko. Hindi niyo lang alam kung gaano ko kinakabahan sa mga ganitong komprontasyon. Na pakiramdam ko ay may alam siya kahit na wala. "Kay.. Kay Leonardo," mabilis kong sagot. "Sa mga papel ni Leonardo. Hindi kasi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD