CHAPTER 32

1656 Words

"So, saan ka nanggaling kagabi?" Punong-puno ang bibig niya pero kanina pa siya salita nang salita. Binaba ko ang hawak kong chopsticks at masama siyang tinignan. "Pwede bang kumain ka muna? Saka bakit ba ang dami mong kinakain? Gumaganti ka ba?" Para siyang patay gutom ngayon. Noong sinabi kong ililibre ko siya ng umagahan. Hindi ko naman sinabing kainin niya lahat ng tinda dito sa noodle shop. Nakakailang mangkok na siya. Hindi ko tuloy maiwasang tingnan 'yung dala kong pera ngayon sa bulsa ko. Hindi ko kasi dala ang wallet ko. Naiwan ko kanina sa bahay at ang tanging dala ko lang ay 'yung binulsa ko kagabi pang share sana sa inuman. "Saan ka nga galing?" Puno pa rin ang bibig niya. "Excuse me! Isa pang order!" Taka ng tumingin sa akin 'yung waiter. Nakakailan na ba kasi siya? "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD