CHAPTER 26

1811 Words

Pinagmasdan kong lumabas si Cyntia bago ko tumabi kay Sebastian. "Masarap?" asar kong tanong, hanggang tingin na lang sa kinakain niya ngayong bigay ni Dan. "Hindi." Umiling siya pero patuloy pa rin sa pagkain. "Baka mabulunan ka. Dahan-dahan lang." Sumandal ako at pamaya-maya pa, napahawak na sa tiyan dahil sa gutom. Nakakatakam naman siyang kumain parang nasa commercial lang ang peg. "Tiyan mo ba 'yon?" Kumunot ang nuo niya nang marinig ang tiyan ko. "Kakain na ko. Mag-enjoy ka lang diyan." Pagtayo ko. "Teka." Tinignan ko ulit siya. "Hindi 'to masarap. Kumain na lang tayo sa labas." "Ikaw na lang. Sa akin na lang 'yan." Masaya kong lapit ulit sabay lahad ng kamay. "Hindi nga masarap," paangal na sabi niya, hindi ko alam kung anong pinaglalaban. "Tara na." Inakbayan niya ko na i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD