CHAPTER 76

1304 Words

"Akala ko ba gusto mo ng ihaw-ihaw? Eh, bakit hanggang ngayon hindi ka pa kumakain?" pasimpleng tanong sa akin ni Leonardo bago kumagat sa hawak niyang isaw. "Para kasing nakita ko si Dan." "'Yung boyfriend mo?" bulalas niya sabay lingon sa paligid. "Wala naman." "Nitong nagdaang araw, lagi ko siyang nakikita kung nasaan kaming dalawa ni Sebastian. Pakiramdam ko sinusundan niya ko." "Edi ayos," walang pake niyang sagot saka bumaling sa aleng nag-iihaw. "Sampu pa no'n." Turo niya sa dugo. "Anong ayos do'n?" mariin kong bulong pabalik. "Gusto mo ng makipaghiwalay hindi ba? Gamitin mo 'tong chance para mahiwalayan mo siya." "Hay, ewan ko sa'yo." Kunsumido akong napakamot ng ulo habang lumayo na kay Leonardo. Napansin 'yon ni Sebastian kaya kunyari na lang akong ngumiti. "Ano? Busog ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD