ARIEL POINT OF VIEW "Sino 'yan?!" papalapit kong tanong sa pinto. "Kanina pa kita tinatanong! 'Wag mong sirain 'yang doorbell ko!" nagmumuryot kong dugtong madiin ng napapakamot sa ulo. Kung sino man 'yan matatadyakan ko na siya. Bukod sa abala sa tulog, ayaw niyang tigilan ang doorbell ko! "Tigilan mo na nga 'yan—!" Natigilan ako at dali-daling napaayos. "Althea!" sigaw ko. "Sabi sa'yo magagalit siya," sabi ni Dan, buhat ngayon si Althea na humahagikgik. "Pasok kayo." Pinagbuksan ko sila ng pinto at habang pumapasok sila ay siya namang paghawi ko sa buhok ko. "Wala pa kong bra," naalala kong bulong sabay kapa sa dibdib ko. Dali-dali akong umakyat para makapaglagay ng bra at makapagpalit ng disenteng damit. Pagkababa ko, narinig ko ang pagbubulungan nilang dalawa. Pinapangaralan ni

