"Testing, testing, one, two, three. This is Alpha, over." "Hindi ikaw ang alpha. Si Sebastian, over!" "Mas matanda ako sa kanya, over." "Pero siya ang leader natin," sagot ulit ni Dice saka tinignan si Sebastian habang naka-thumbs up. "Best man," dugtong pa niya na inirapan ng isa. "Magtago kayo, over!" "Lakasan niyo pa. Iparinig niyo sa kanila," sarkastikong sagot ni Sebastian na kanina pa sinisisi ang sarili niya sa pagdala sa dalawa. [TWO DAYS AGO] "Makinig kang mabuti," mariing sabi ni Leonardo habang gigil na dinidiin ang isang fries niyang hawak sa plato. "Nakikinig ako," seryoso namang sagot ni Sebastian, iritable na at pilit na lang ang pag-stay doon para mapakitang ginagalang niya pa rin ang lalaking nasa harapan niya ngayon. "Anak ko si Ariel. Ama niya ko." "Kanina mo

