"So, Dice, huh?" kibo ko nang maiwan kaming dalawa sa mansion. Pumasok na sa company si Sebastian at si Leonardo naman ay bumalik sa dagat para sa request ko. Kanina pa kami ni Dice dito sa pool pero hindi siya nagsasalita. Nakahiga lang siya ngayon sa salbabida na hugis pizza habang may hawak na wine. Ang yabang niyang tingnan at ngayon ko lang 'to naramdaman sa buong buhay ko. Ngayon lang ako nakakilala ng tao na kahit hindi magsalita ay napapakulo ang dugo ko. But relax, Ariel. Kapatid pa rin siya ni Sebastian. Pero hindi naman sila magkamukha. Hamak mas matangkad at gwapo si Sebastian kaysa sa kanya. Si Dice para lang college student na laging bagsak sa mga subject dahil sa pambababae. "May naririnig ka ba?" bigla niyang kibo sabay tanggal sa shades niyang suot. "Ano 'yon?" Kumuno

