Chapter 18

1000 Words
Hindi naman malaman ni Austine kung ano kanyang magiging reaksiyon ngayon. Nasa harapan nila ang kanyang exboyfriend habang kasama niya naman ang kanyang manliligaw. Nang mapansin sila ni Shaun ay agad naman itong nagiwas ng tingin. Hindi mabasa ng dalaga ang nararamdaman ng ex niya pero malamang ay hindi iyon maganda. Ikaw kaya ang indianin tapos makikita mo pa ng harapan na may kasamang iba. Kahit na katapatan lamang nila ay hindi naman napansin ni Angel ang lalaki sapagkat natatabunan siya kanina ng waiter pagdating nilang dalawa at tila nakafocus siya sa kasama kaya siguro hindi rin talaga napansin. "Are you okay?", tanong ni Angel sa kasama bago natauhan si Austine sa kanyang mga iniisip. "Hmm. Yeah, Gutom lang." palusot nito "Alright. Dito na lang tayo", iminwestra nito ang table na katapat din lamang ng table ni Shaun. Naupo na silang dalawa, nakaharap si Austine sa dalawang binata. Inilapag ng dalada ang hawak na buoquet sa ibabaw ng lamesa. At para bang on cue, kaagad namang dumating ang waiter at nagbigay ng menu at nagserve ng maiinom. Tinabunan na lang niya ang mukha ng menu dahil parang matutunaw na siya sa mga titig ni Shaun. Naguiguilty siya dahil hindi kaagad niya nasabihan ito na hindi siya makakasipot sa usapan nilang dalawa. "I'd like some of these..." Itinuro ni Angel ang kanyang order while the girl in front of him is panicking inside. Hindi na siya nagugutom at hindi rin siya makapagfocus sa ngayon. "Hey. What do you like to order?", Angel asked which brought her to reality, again. "I'll have what you get na lang", at saka itinabi na niya ang menu. Nang gumawi ang tingin niya sa harapan ay wala na doon si Shaun. Iniorder na lang din siya ni Angel ng food. "I'm sorry if medyo out of it ako kasi medyo napagod sa work kanina.", She lied. She made up excuses. "Okay lang, I understand.", he assured and took her hand. The food was good pero wala siyang gana. Nagcatch up lang sila at pagkatapos noon ay hinatid na niya ang nililigawan sa hotel. Si Angel ay nagwowork sa sister company ng MDev. Nagkasama ang dalawa sa isang project na ngayon ay tapos na. After ng project ay doon nagsimulang manligaw ang binata sa kanya. Angel is staying at a different hotel kasi fully booked pa rin ang hotel na pinagiistayhan ng dalaga. He joked na kung pwede dw siya makitulog at bigla naman kinabahan ang dalaga dahil hindi niya alam na kasama nito ang ex na si Shaun. Now her guilt was doubled. Sa tagal ng panliligaw nito ay hanggang ngayon hindi pa rin niya masagot. Dahil sa sarili niya, hindi niya lang maamin, deep inside ay may ibang nagmamay ari ng puso niya. "Easy. I was just kidding." "Akala mo naman papayag ako" pabiro niyang banat. "Malay mo tsumamba", sabay tawa niya habang ginugulo ang ulo ng babae, pagkatapos ay bumaba ang kamay niya sa likod nito at sinakop niya ang space na namamagitan sa kanilang dalawa. Hindi nila alam na nakikita sila ni Shaun ngayon. He looked upset ngunit wala naman siyang magagawa. Aaminin nito, bagay naman talaga ang dalawa. "I missed you. So much", he wisphered in her ear. Hanggang ngayon hindi pa rin matugunan ng babae ang mga linyang ibinabato ng manliligaw sa kanya. It has been a month already when he started courting me. She still can't give him an answer. Not now, especially right now. Naguguluhan na ang babae ngunit hindi pa rin siya makapagdecide. In return, she just pat his head. Angel just smiled. Hindi rin nagtagal ang binata doon sapagkat napagod din siya sa biyahe. “I’ll just see you later, I guess?” Pumunta lang talaga ang binata sa Palawan para samahan sunduin siya. “See you” They give each other their good byes. Kinakabahan naman si Austine na pumasok sa loob ng hotel room dahil sa nangyari kanina. Naabutan niya si Shaun sa may veranda mukhang busy sa pagtipa sa laptop nito. Naramdaman naman ng isa ang kanyang presensya kaya napatigil ang ito sa ginagawa at napatingin sa kanya. Humugot ang babae ng lakas ng loob para humingi ng pasensya. “I’m sorry kung hindi ako nakapunta sa usapan natin kanina” “It’s alright”, tipid na sagot sabay tingin ang balik sa screen ng laptop niya. “Biglaan kasi iyong dating ni Angel e” gusto pa sana niyang dagdagan iyon ngunit hindi niya alam kung paano. Tipid naman na ngumiti ang lalaki bago magsalita. “You don’t have to explain”, kakaunting salita ngunit lalong nagdulot iyon ng guilt sa puso niya. Hindi na lang siya umimik at nagsimulang iempake ang natitirang mga gamit. Dumating na pala ang iba niyang damit na pinalaundry. Iyong nasukahan niya nung nakaraan at iba pang damit na ginamit niya sa trip. Maya maya lamang ay narinig niyang nagsara ng laptop ang binata. Pagkatapos noon ay ang footstep naman nito na unti unting lumalapit patungo sa kanya. Napa sigh naman ang lalaki bago umupo sa tabi niya at nagsimulang tumulong mag ayos ng gamit niya. Ano naman kayang naisipan nito? Akala ko ba galit siya sa akin? Tanong ni Austin sa sarili Hinayaan niya na lang itong tupiin ang kanyang jeans at blouse na pinalabhan niya kanina. Walang imik ang dalawa habang nagiimpake. Siya na lang ang naglakas ng loob na basagin ang katahimikan. “Salamat. Ako na bahala dito sa iba.” Sabay kuha sa mga nakaayos na damit at nilagay iyon sa maleta. Hindi pa rin umiimik si Shaun. “Mamaya na pala alis ko”, sabi ng dalaga na para bang hindi alam ng kausap niya ang details ng flight niya. “I know. I booked your ticket.” Kaagad nanlaki ang mata niya nang marinig iyon sa lalaki. Hindi siya makapaniwala. Tinitigan niya ito para malaman kung nagsasabi ba siya ng totoo. Ang kasunod na kataga ang lalong hindi niya inaasahan. “I mean, our ticket. Sabay tayo uuwi”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD