Chapter 5

1087 Words
Sobrang sakit ng ulo ko ng ako’y magising ngunit hindi ko alam kung bakit katabi ko matulog ang lalaki. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking batok. Aalis na sana ako sa posisyong iyon pero di ko magawa dahil nakadagan ang kanyang kanang braso sa may bewang ko. Baka magising pa siya sa ganitong posisyon ay mas lalong nakakahiya. Pinilit ko na lang ulit matulog dahil sa hangover. 11:00am na nang muli akong magising. Ano kayang nangyari kagabi? Bukod sa pagsuka ay wala na akong ibang maalala. Bakit ko siya katabi sa pagtulog? Wala na siya sa kwarto marahil ay nasa inspection na sa on-going projects namin. s**t. May pagkain at may pills din sa ibabaw ng mesa at nang lapitan ko ay may note siyang iniwan, “Drink this to lessen your hangover - M” Hindi ko mapigilang hindi kiligin sa note niya ngunit nalungkot din pagtapos nang maisip ko na mali yon. May gf na siya. Naligo na ako at nagpalit ng another dress na floral with thin strap and a sweetheart neckline. Bumalik si Mike ng 12 ng tanghali kaya naman nagtaka ako. Dito ba siya magl-lunch? “I uh..forgot something. Are you doing fine?” She just nod at him kasi nahihiya siya dito. Dahan dahang lumapit sa kanya ang lalaki at siya nama’y dahan dahang ding umurong hanggang naramdaman niyang lumapat ang likod niya sa isang bagay. Wala na siyang maurungan. Ikinulong siya nito sa kanyang mga bisig at siya nama’y napapikit at akala niya’y hahalikan siya nito. Yun pala ay may kukunin lang sa kabinet na nasa likuran niya. Ano bang ginagawa mo Jade? Nakakahiya ka. Sisi niya sa sarili. Nang tinangnan niya ang binata ay may maliit na ngiti sa labi nito ngunit kaagad din yong nawala nang mapansing nakatingin siya. “Hindi mo ba maalala ang ginawa mo kagabi?” “Huh? Ano ka ba? Tanda ko. Kahit lasing ako e alam ko pa naman ginagawa ko”, pagmamalaki niya kahit di siya sigurado kung may ginawa ba siyang hindi niya maalala. Napatawang bahagya ang lalaki sa sinabi niya. “Anong nakakatawa don?”, “Wala, wala. Balik na ako sa site. Wag ka mag alala, hindi ko isusumbong na hindi ka pumasok ngayong araw. Magpahinga ka lng muna diyan.”, he said with a somewhat concerned look. “Teka”, habol ko sa kanya at kinapitan ko ang kamay niya para pigilan siya sa pag alis. “May nagawa ba akong kakaiba kagabi?” nahihiya kong tanong. “Hmm. Gusto mo bang ipaalala ko?”, inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Feeling ko kinikiliti ang tiyan ko ngayon, na parang natatae na ewan. Hahalikan ba niya ako? Nang may isang pulgada na lang ay saka siya bumulong. “Magpahinga ka na. Wag mo nang isipin ‘yon” sabay pat sa ulo. Mabilis siyang lumabas tila ayaw na talaga niyang ipaalala sa kanya ang nangyari kagabi. Inabala na lang niya ang sarili sa paggawa ng report at kinuha ang kanyang laptop. Nang magawi siya sa sofa para dun magtrabaho ay nakita niya ang tshirt ni mike na nasa sahig malapit lng sa pwesto niya. At doon nag sink in sa kanya ang lahat. *Last night* Matapos niyang isuka ang lahat ng ininom ay inalalayan ako ng lalaki papuntang sofa. Kumuha siya ng malamig na tubig at saka ako pinainom. Kumuha din siya ng bimpo at pinunasan ang mukha niya. Nahihilo naman siya ginawa ng lalaki kaya pinigilan niya ang kamay nitong may hawak ng bimpo. Tinitigan niya ang mga mata ng lalaki, mapungay ang mga ito wari’y nang aakit. Parang wala itong pinagbago nung una niyang nakita. Pati ang kilay nito na kanyang kinaiinisan dahil mas maganda ang hulma kesa sa kanya. Ang matangos nitong ilong, at ang mapupulang labi nito. Hindi na niya napigilan ang sariling halikan iyon. Inilagay niya ang kanyang braso sa batok ng lalaki upang padiinin pa lalo ang halik. Kahit na parang nabato na lang ang lalaki sa kinauupuan niya. Hindi nito ni minsan ginantihan ang kanyang mga halik. Nasasaktan siya sa ginagawa nito. Inilakbay niya ang kanyang kamay at tinanggal ang tshirt ng lalaki. Hahalikan na sana niya ito sa pangalawang pagkakataon ngunit pinigilan na siya nito. “Nakainom ka lang”, kita ang disappointment sa mukha nito. “Itulog mo na lang ‘yan” dagdag nito. Sabay aya sa kanya. Pigang piga na ang puso niya. “Hindi mo na ba talaga ako mahal?”, tanong niya sa lalaki ngunit hangin lang ang isinagot sa kanya. Sa halip ay iginaya siya nito sa kama. Hindi naman niya mapigilang maluha dahil sa inaasal ng lalaki sa kanya. Wala na ba talagang pag asang magkabalikan tayo? Bulong niya sa isip. Nang mahiga na siya sa kama ay doon na siya tuluyang umiyak. Nakita siya ng lalaki ngunit wala itong ginawa or sinabi. Kinuha na lng niya ang kumot at ibinalot ang sarili doon, ang mukha naman ay isinubsob niya ang mukha sa unan. Hanggang ngayon, wala pa ring maibigay na closure sa kanya ang lalaki kaya siguro hanggang ngayon, umaasa pa rin siya. *** Nang maalala ko ang nangyari ay napaluha ako ulit. Anong pinagagawa mo, Jade! May girlfriend na nga yung tao ano pang ineexpect mo? Nadatnan ako ni Mike sa ganong estado. Hinayaan ko na lang na makita niya. Tutal nakita at nadinig niya naman siguro kagabi. Hindi naman siguro siya bulag o bingi. Pinalis ko ang luha at saka tiningnan siya. Ang mga mata niya ngayo’y tila nasasaktan. Nagawi ang mata ko sa dala niyang paper bag. Pagkain iyon galing Jollibee. Naguguluhan na ako sa mga kinikilos niya. Why does he care? Ganyan ba talaga siya kagentleman? Binibigyan ko kng ba ng meaning ang mga ginagawa niya sakin? “Naaala mo na ba?” “Oo. Pagpasensyahan mo na. Yung sa food, nag abala ka pa. Hindi ko rin naman yan kakainin”, malamig na sagot ko. Parang nahurt ko siya sa sinabi ko pero wala na akong paki. Nagstart na ako magempake kasi bukas na ang flight namin pabalik ng Manila. Kahit hapon pa naman iyon ay aalis na ako agad sa hotel room namin ng maaga. Kailangan ko nang makalayo sa kanya! Nagsimula na namang mag unahan ang mga luha ko sa pagpatak. Letse. Natigil ang pagiyak ko ng bigla niya akong yakapin mula sa likuran. Inis ko siyang hinarap ngunit ang mga labi niya ang sumalubong sa akin at saka siniil ako ng halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD