WALA na si Lucius sa kama nang magising si Estella kinabukasan na sobrang ipinagpapasalamat niya dahil kundi baka nagtulog-tulugan siya hanggang sa umalis ang binata. It would be awkward na magising katabi ang binata. Binuhat siya nito patungo sa kama. Naramdaman kasi niyang tumabi ito nang higa sa kanya kagabi at iyon ang unang beses na natulog ang binata sa kwarto nito. Palagi kasing wala ang binata lalo na tuwing gabi pero kagabi nagulat siya sa presensya nito. Oo, nasa sofa lang siya kahapon habang pinagmamasdan ang binata na nagliligpit ng figurine na durog-durog dahil sa nangyari kahapon, ito rin ang nagpatuloy maglinis sa buong condo. At ang pinaka-nakakahiya, si Lucius ang nagluto ng hapunan nila at naghugas ng mga pinggan na dapat ay gawain niya. Mas may nakakahiyang part scene

