SA ISANG linggong pananatili nila ni Lucius sa Isla kung saan sila nagtatago ng binata walang araw o oras na naging malungkot sila. Puno ng kasiyahan at pagmamahalan ang bawat araw na lumipas na magkasama sila. Ngunit hindi mawawala ang pangamba sa puso niya lalo nang magsinungaling siya sa kanyang pamilya na may bago siyang trabaho at stay-in iyon kaya hindi siya makakauwi. Ayaw ni Estella magwakas ang masayang pagsasama nila ng binata pero alam niyang hindi pang-habang buhay ang pagtatago nila sa mga taong humahadlang sa pagmamahalan nila. Lalo na sa pamilya ng binata na hindi siya tanggap maging kabiyak ng binata. “Lucius?” Tawag niya sa pangalan ng binata. Maghawak kamay silang naglalakad sa kahabaan ng dalampasigan habang sinasalubong ang malamig at preskong hangin na tumatangay

