Pigil ang luhang tumango siya. Hinalikan muli ng binata ang mga labi niya at kasunod ang tungki ng ilong niya bago muling isinubsob ang mukha nito sa leeg niya at niyakap siya nang mahigpit na para bang ayaw siya nito pakawalan at takot itong bigla na lang siyang mawala. "BABY Luo, Sorry, ha? Kung iiwan ni mama ang papa mo. Gagawin ko 'to dahil alam kong hindi ako makakabuti para sa kanya tulad ng sabi ni Lola Lavinia mo." Naluluhang pagkausap ni Estella sa maliit na plorera kung saan nakalagay ang abo ng baby nila nila ng binata. Umalis si Lucius ngayon. Bago umalis ang binata kanina sobrang higpit ng yakap niya sapagkat alam niya sa sarili na iyon na ang huling yakap niya rito. Plano na talaga nila ito ng ina ni Lucius. Umikot ang mga mata niya sa kwarto, nilinis niya ang buong co

