Naomi's POV: Naalimpungatan ako dahil may sumisindot sa pisngi ko. Hindi ko nalang 'yon pinansin at natulog ulit. "Ano ba!" Napadilat ako at bumungad sa akin si Trevor na syang sumisindot sa pisngi ko. "Gising na po mahal na prinsesa, mala-late ka na sa school." Napapikit ako ng madiin. Napatingin ako sa alarm clock ko ng hindi ito tumunog. 4:30 pa lang ng umaga, paano ako mala-late nyan. Tsk! "Bangon na. Bangon na!" Hinihila nya pa ang kumot ko habang sinasabi 'yon. "Oo na. Oo na. Eto na. Lumabas ka na nga." Inis kong singhal sa kanya. Buti nalang talaga at nakinig. Bumangon na ako ng nakalabas na sya ng kwarto ko. Bakit ba kasi ang lakas ng ulan kagabi? Ayan tuloy. Dito sya natulog sa bahay. May ungas tuloy na gumugulo sa akin. Tumungo na ako sa banyo at ginawa lahat

