Chapter 11. Cellphone

1170 Words
Kaagad na itinulak nila ang bangka papuntang dagat. Bumalik sila sa sasakyan at kinuha ang fishing rod para mangisda sa dagat. Dahil iyun ang bonding nilang mag- aama ang mamingwit ng isda kahit saan pa sila pumunta. Dahil nga maliit ang bangkang dinala nila Lance ay si Altea lang ang sumakay sa bangka. Kaya naiwan si Roseta sa dalampasigan at nakipagkwentuhan kay Mang Ben. Naka-upo lang sila sa buhangin at tinatanaw ang mag- aama na sumasagwan sa tubig dagat. Roseta POV... Habang nakatingin ako sa kanila, ay di ko maiwasan hindi humanga sa pagiging ama ni Lance kay Altea. Nang biglang nagsalita si Mang Ben sa tabi ko. “ Sa ilang taong kung pamamalagi dito sa isla, ay sina Toto Lance lang ang s'yang pinapayagan kong pumunta dito. Napakabait nyang tao, ang gusto nya lang ay maging masaya ang anak nya Kahit na wala na si Carmela. ” Kwento ni Mang Ben. “ Nakita nyo na po si Carmela? Tanong ng dalaga. “ Oo, dito nga nag propose si Toto Lance kay Carmela!...” Masayang kwento ni Mang Ben. “ Talaga po!” Di makapaniwala tanong ni Roseta. “ Saksi ang lugar na ito sa pag- iibigan ng dalawa..” Nakangiting sabi ni Mang Ben. “ Kaya nga ng mAwala si Carmela, ang akala ko ay di na babalik si Toto Lance dito. Dahil nga ganoon ang nangyari kay Carmela. Pero gumagawa sya ng paraan para ipagpatuloy ang buhay nilang mag-aama..” Masayang kwento ni Mang Ben kay Roseta. “ Matagal ka na bang kila Toto Lance..” Tanong nya sa'kin. “ Di po, ilang araw lang po ako kila Lance... Kapag naayos na ang passport ko ay aalis din po ako sa Pilipinas..” Sagot ko sa kanya. “ Ganoon ba, Akala ko pa naman ay ----- Di nya matapos ang sasabihin ng makita namin na may malaking isda na nahuli si Lance na itinataas nito. “ Wow!... Ang laking isda naman iyun..” Sabi ko. Dahil di naman malayo ang pinupuntahan nila Lance, maraming isda, ang nasa paligid dahil nga wala masyadong tao ang kumukuha. Kanina nga ay nag- iingat kami ni Altea na maglalakad sa tubig dagat dahil nga maraming sea archin, star fish, at marami pang yaman dagat na hindi mo mahahanap kung di ka pupunta sa ilalim ng dagat. Di rin nagtagal ay bumalik na ang mag- aama at tuwang- tuwa si Altea dahil may nahuli silang napakalaking isda. Lumapit sila at bitbit ang nahuling isda. “ Tita, ang laki ng isda na nahuli ni Papa..” Pagmamalaking sabi ni Altea. “ Oo, nga ang laking isda naman iyan.” sang- ayon ko sa sinabi ni Altea. Inihanda na ni Lance ang mga gagamitin para sa pagluluto ng kanilang kakainin. Nagtulungan sina Mang Ben at Lance sa pagluluto habang naghahanap naman si Roseta ng dahon ng saging. Dahil iyun ang lalagyan nila ng kanilang nilutong isda. Nakakuha naman ng dalawang dahon ang dalaga. Nang malapit ng maluto ang isda ay naisipan ni Mang Ben na manguha ng Buko para kanilang iinumin. Matagal ng ganito ang kanilang set-up kapag dumating ang mag- aama at kasama ang dalawang matatanda sa lugar ni Mang Ben. Ngayon lang na di sumama ang dalawa sa pagpunta nila kila Mang Ben. Sumama si Lance na bumalik sa bahay ni Mang Ben para kunin ang mesa para paglagyan ng pagkain nila. Mahaba ang mesa na gawa sa kawayan at nilatagan nila ito ng dahon ng saging. Dahil doon sila kakain. Nag dala din si Mang Ben ng mga prutas na kinuha nito sa mga tanim nya.. Katulad ng Bayabas, Saging at Pomelo. Nang mailagay na nila ang dahon ng saging ay nilagyan nila ito ng kanin at ulam na adobong manok at inihaw na isda. Nasa kilid naman ng kanin ang mga prutas na ibinigay ni Mang Ben. Nang maihanda na nila ang lahat ay masayang kumain sila na nakamay sa pagkain kanilang inihanda. Sinusubuan ni Lance ang anak nito ng kanin at ng makita nya ang isang hiwa ng adobong manok ay kukunin nya sana ng mahawakan nya ang kamay ni Roseta. Magkasunod lang sila na kumuha ng manok, ngunit nauna lang si Roseta kaya nahawakan ni Lance ang kamay nito. Nagkatinginan pa ang dalawa at napangiti si Roseta kaya dali-daling nabitawan ni Lance ang kamay ni Roseta. “ Sa'yo na iyan!..” Mahinang sabi ni Lance at kumuha na ng ibang hiwa ng manok at isinubo kay Altea. “ Tita Roseta.. Bakit naumumula ang mukha mo?" Pagtatakang tanong ni Altea habang nakatangin kay Roseta na sumusubo ng Manok. “ Ah!.. wala ito, ganoon talaga ang balat ko kapag naliligo ako sa dagat. Namumula, ikaw din oh!..” Sabay turo ni Roseta kay Altea sa mukha nito. “ Hehehe... Para po kasing kamatis ang mukha nyo!...” Nakangiting sabi ni Altea. “ Papa, a- ako na l- lang.” Sabi ni Altea habang pinipigilan nito ang kamay ni Lance sa pagsubo ng kanin sa kanya. Kumamay na si Altea at kumuha ito ng isang piraso ng manok para kainin. Nang matapos na ang kainan ay nagpasya ang mga ito na magpahinga muna sa lilim ng puno at masayang nakatanaw sa dagat. Malakas ang hangin na syang nagbibigay sa kanila ng magaan na pakiramdam. Di na napigilan ni Roseta ang makatulog dahil sa lamig ng dala ng hangin. -------------- Sa bahay ng mga Del Mundo “ Carol!... Carol!.. pasigaw na tawag ni Vinnian sa kwarto ni Carol. Ilang araw ng kinukulit ng tanong ni Vinnian si Carol kung tumawag ba o nag message si Roseta kay Carol. Ngunit palagi lang wala ang sinasagot ng dalaga. Naiinis na si Vinnian sa pagkatok ng pinto dahil hindi man lang lumalabas si Carol. “ Kapag di ka pa lumabas, sisirain ko itong pinto mo.. Paaalisin naman tayo!” Galit na sigaw ni Vinnian. Kaya kahit na naiinis na si Carol sa Ina ay binuksan na lang nya ang pinto at hinarap ang Ina na namumula na sa galit. “ Mabuti at binuksan mo na ang pinto, kundi sisirain ko talaga ang pinto mo.” Pasigaw na sabi ni Vinnian sa anak. “ Ibigay mo sa'kin ang cellphone mo?” Biglang sabi ni Vinnian kay Carol na ngayon ay nakatitig lang sa kanya. Kaagad tinago ni Carol sa likod nya ang Cellphone. “ Ma!.. bakit nyo naman kuhunin ang cellphone ko?” Inis na tanong ni Carol sa ina. “ Para malaman ko kung nasaan na si Roseta..” Sigaw ni Vinnian at sabay hablot ng Cellphone ni Carol. “ Ma!.." Galit na sigaw ni Carol. “ Hayaan nyo po sya, ang laki na ng atraso natin sa kanya.. Buhay nya ang nakataya dito.” Galit na sabi ni Carol habang binabawi ang Cellphone hawak ni Vinnian. “ Bakit.. Di ba buhay din natin din ang nakataya dito! Kapag di natuloy ang kasal nilang dalawa .. Saan tayo titira!.. SAAN TAYO PUPULUTIN.. SA KANGKUNGAN!” Pabulyaw na sigaw ni Vinnian. At naglakad palayo si Vinnian sa kwarto ni Carol na ngayon ay naluluha na sa galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD