Chapter II
*Alliah's POV*
*continuation of flashback*
"Magandang umaga!!! Anong pinapanuod mo?" Wika ni Ivan na lumalapit na papunta sa kinauupuan ko.
Nasa paaralan kami ngayon, vacant time ko kasi kaya nakatambay muna ako dito sa paborito kong lugar, mahangin, tahimik at maaliwalas kasi ang paligid. Nasa hardin ako ng paaralan, kaunti lang ang mga pumupunta dito kasi madalas puntahan ng mga estudyante ay yung malaking gymnasium ng school pinapanood ang mga athletes lalo na sa basketball.
" Mga Fairy tales bakit? Gusto mo ring manood?" tanong ko sakanya noong maupo siya sa tabi ko. "Thank you pala sa paghatid saken sa terminal ng bus kagabi." Dagdag ko pa.
"Wala yun, kasalanan ko rin naman eh'. Anime ang hilig kong panuorin kagaya ng One Piece, Bleach, Slam Dunk, Dragon Balls, Naruto, Hunter X Hunter at Olympus Guardian." Ang mahaba niyang sagot.
"Pano mo nalaman na nandito ako?" I asked him again.
"Nasense ko lang." Sagot niya sabay ngiti.
"Kailan ka pa naging aso?"
"Hindi ko alam hahahaha.. Gusto mo sumama saken?" He questioned looking directly into my eyes.
Nakasuot siya ng pambasketball at may dala-dalang bola mukhang sa gym dapat siya papunta at napadaan lang dito.
Sumama ako sakanya sa gym, ngayon pa lang ako papasok doon, hindi naman kasi ako umaattend ng mga events. Mas gusto ko manuod ng mga fairy tales kahit isang daang beses ko na ang mga ito napapanuod.
Palagay naman ang loob ko sakanya, wala naman din akong kaibigan, siya lang yung unang nakipag-usap sakin, unang lumapit at unang naging kaclose ko sa paaralan.
"Oh my god!! Si Ivan may kasama na namang ibang babae! Babaero talaga! Akala naman niya kung sino siyang napakagwapo, poor naman!!"
"I love you Ivan!! Ang gwapo mo talaga ang galing mo pa maglaro ng basketball."
Mga pangungutya at pagpapapuri na narinig ko noong nakapasok na kami sa gym na punong-puno ng tao. Pero kibit-balikat lang si Ivan na naglakad na parang proud na proud.
"Maupo ka muna ha.. Gagalingan ko para sa'yo." Sambit niya saken sabay kindat, abot ng bag at takbo papunta sa court kung saan tinatawag na siya ng kanyang team mates.
Hindi na ako sumagot sa sinabi niya sapagkat ang bilis niyang tumakbo , agad siyang nakarating doon sa mga kasamahan niya at parang binibiro siya ng mga ito.
Nanood ako ng matahimik doon sa upuan, maraming mga babae ang nagchecheer para kay Ivan, sumisigaw at hinihiyaw ang kanyang pangalan habang iwinawagay ang isang banner kung saan nakasulat ang malaking pangalan niya.
Napakagaling maglaro ni Ivan, magaling siyang mag three point shot, tumitingin pa siya saken kapag nakakagawa siya ng puntos. Tuloy-tuloy siyang nag-laro ang kanyang itim na buhok ay medyo basa na rin dahil natatamaan nito ang pawis niya sa mukha. Ang kulay pulang Jersey na kanyang suot ay naging dark red na dahil sa pawis ng kanyang katawan.
Nanalo sila sa laro at sobrang saya niya ililibre niya daw ako kasi ako daw yung naging lucky charm niya.
Pero habang naglalakad kaming dalawang magkasama maraming nakatingin sa aming dalawa, hindi ko alam kung bakit...
"Hanggang pangarap na lang talaga kita. Tangkad mo Ivan palahi sana ako. "
"Ang swerte naman ng babaeng yan. Ang kaso hindi niya kung may iba pang babae si Ivan. "
"Ang hunk talaga, akin ka na lang Ivan babes."
"Ok lang, maganda naman yung babaeng kasama niya, bagay naman sila."
"Sana makadate ko rin siya."
Usapan ng mga bakla at babaeng aming nadaraanan. Marami talaga yatang nagkakagusto sakanyang mga estudyante dito.
Sabi ng mommy and daddy ko h'wag na daw akong mag boyfriend kasi masasaktan din daw ako sa huli, kaya my focus is just to watch fairytale ang dami ko na ngang Prince Charming, and just by looking at Ivan, wala sa kanya yung qualities para maging isang Prince charming ko.
Pumunta kami ni Ivan sa may gilid ng kalsada kung saan may mga nagtitinda ng samo't saring street foods.
"Gusto mo?" Tanong sakin ni Ivan sabay alok ng fishball na nakatuhog sa isang mahabang stick.
"Thank you Ivan!" Sagot ko sakanya sabay kinuha ang stick na ibinibigay niya saken. Hinawi ko muna ang aking mahabang itim na buhok na nakaharang sa aking mukha.
Lumipas ang mga araw parati na kaming nagsasamang dalawa, sa panunuod ng fairy tale at anime na gusto niya, at sa paggawa ng mga activities na ibinigay ng mga professor samin. Siya na rin ang nag-iisang close kong kaibigan.
All students think that I am weird kasi college nako pero panay fairy tales pa rin ang pinapanuod ko. Siguro iniisip nila na baliw ako kaya walang gustong makipag-kaibigan sakin liban na lang kay Ivan.
Sa tuwing nanunuod ako ng mga fairy tales na mga napanuod ko nang ilang beses na ay andiyan din siya sa tabi ko. Hindi rin nagsasawang manuod kahit paulit-ulit.
Nag-iisang anak lang ako, lahat ng kailangan ko ay ibinibigay saken ng mga magulang ko pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot dahil wala akong kapatid at kaibigan buti na lang talaga dumating at nakilala ko si Ivan.
Hilig ko ang manuod ng mga fairy tales simula noong bata pa lang ako I love happy endings, kaya naniniwala ako na lahat ng may buhay dito sa mundo ay magtatapos sa isang masayang pamamaalam. Gusto ko ring malibot ang buong mundo, yung tipong parang nakasakay ka sa magic carpet ni Aladin, kaya nga Tourism ang kinuha kong kurso, favorite ko rin ang magsulat ng mga istorya nasa paningin ko'y magiging patok sa mambabasa.
***
Habang tahimik at seryoso kaming nanunuod ng Cindirella sa laptop doon sa paborito kong mapreskong pwesto sa hardin ng paaralan, biglang nagsalita si Ivan.
"Si Cindirella ka ba?" Tanong ni Ivan saken habang nakatitig ng maigi sa mga mata ko.
"Bakit?" Tugon ko sakanya na nakakunot ang noo.
"Kasi ikaw pa rin ang hinahanap-hanap ko kahit sa pagsapit ng hating-gabi." Sagot niya habang nakangiti na parang ipinapakita ang kanyang mapuputing mga ngipin saken.
Hindi na'ko sumagot sakanya pero napangiti rin ako ng kaunti dahil sa kakornihan niya.
"Alliah si Snow White ka ba?" Nagtanong na naman siya saken at naupo sa tabi ko.
"At bakit na naman? Kasi ang puti-puti ko?" Mula sa panonood ng movie sa laptop ko itinuon ko ang tingin ko sakanya.
"Mali, kasi ako'y isa sa mga seven dwarfs mo na handang maglingkod at gawin ang lahat maging masaya ka lang." Tugon niya saken na mas nagpalaki pa sa ngiti ng mga labi ko.
"Ang korni na sobra! Babanatan na kita diyan eh!" Saad ko sakanya na parang nagbibiro at pinause ko ang movie na pinapanood ko.
"Si Rafunzel ka ba?" Tanong na naman niya at mas lumapit pa siya sa mukha ko, ang kanyang mabangong hininga ay naaamoy ko.
"Bakit?" Maikling tugon ko sakanya pero excited akong marinig ang mga susunod na sasabihin niya.
"Kasi kahit gaano man katarik ang tower kung saan ka nakakulong, handa akong akyatin yun makita lang ang babaeng itinadhana saken ng Panginoon."
Nakaramdam ako ng kakaibang kilig sa mga naiusal niyang salita na iyon. At hindi ko iyon maipaliwanag, ang mga sinasabi niya ay parang pagkain ng aking gutom na kaluluwa, ang mga salita na kanyang sinasabi ay parang bitamina ng nanghihina ko ng katawan.
"Alliah si Sleeping Beauty ka ba?" Hindi na talaga siya paawat mukhang ginaganahan.
"At bakit aber? "
"Hmmm kasi handa akong halikan ka ng ilang beses h'wag mo lang akong tulugan. Hahahahaha" pagkasabi niya noon ay natigilan ako. At piningot niya ako sa ilong.
Hinabol ko siya para hampasin pero mabilis siyang naka-akyat sa isang malaking puno na kakaunti na lang ang dahon at parang marupok na ang mga sanga nito.
"Bumaba ka na diyan baka mahulog ka!!" Sigaw ko sakanya habang nakalagay ang kanang kamay ko sa taas ng aking kilay upang hindi masilaw ng liwanag galing sa araw.
"Matagal na akong nahulog sa'yo! At kahit paulit-ulit akong mahulog ayos lang basta sayo ako babagsak." Sagot niya saken na parang hindi natatakot sa taas ng kanyang kinalalagyan. Hindi ko nga alam kung maniniwala ako sakanya kasi nga baka nasa niya na rin yan sa ibang mga babae.
Mga ilang sandali pa'y may dumapong apat na ibon sa marupok na sanga na kinatatayuan niya, paunti-unti may narinig akong kakaibang tunog na nagmumula sa marupok na sanga ng puno.
"Alliiiiiiiaaaaaaaahhhhhhh!!! *tunog ng taong nahulog*" malakas na pagkakasigaw ni Ivan bago siya pumaimbulosok pababa.
"Hindi kita kayang saluhin ang bigat mo kaya..." Wika ko habang papalapit kay Ivan na puno ng putik at dahon ang damit at ika-ika kung maglakad na nakahawak pa sa bewang.
"Ganyan ka naman eh you let me fall for you even if you don't have any plan of catching me." Malungkot na sabi niya at nakapout pa.
"Ano ka ba matagal na kitang sinalo bilang kaibigan ko." Tugon ko tapos tinulungan ko siyang maglakad pabalik doon sa kinauupuan namin kanina, hindi niya sinasadyang mahawakan ang kamay ko nong kinukuha niya 'yong isang libro.
"Paghawak ko ang sarili kong kamay, sa panahon na 'yon ako'y nagdarasal pero ngayong hawak ko ang kamay mo natupad na yung pinagdarasal ko." Ang galing niya talaga sa mga ganyan pwede na siyang gumawa ng sarili niyang libro at ipalimbag ito.
Hindi naman ako magaling sa mga ganyan kaya kahit isang banat wala akong nasabi sakanya.
*End of Alliah's POV*