Chapter V
*Flashback Ended Chapter IV*
*Ivan's POV*
*Back to Reality*
Naging masaya kaming nag sama ni Alliah at napagdesisyonan na namin na magpakasal dahil nanghihina na siya, nawawalan siya ng lakas dahil na pag-alaman namin na hindi lang HIV ang sakit niya. Ang kanyang buhok ay naglalagas na, ang kanyang balat ay nagiging maputla na pero para sakin ay siya pa rin ang pinakamagandang nilalang na nakikita ng aking mga mata.
"Ivan, wag na lang natin ituloy ang kasal. Masasayang lang ang pagmamahal mo sakin." sabi ni Alliah habang siya'y nakaupo sa kanyang wheelchair at nakikipaglaro kay Sky.
"Bakit ko naman gagawin 'yon? Kasal natin ang pinaka-inaantay kong araw sa lahat." pumunta ako sa likod ng kanyang wheelchair at niyakap siya.
Tinanggap ng mga magulang ni Alliah ang pagmamahalan naming dalawa, nong una ay ayaw nilang pumayag sapagkat iiwan din daw ako ni Alliah at ayaw daw nila akong maging malungkot.
Sabi ko naman sa kanila "Death is not an hindrance to love someone. Even in her coffin or in her tomb I will still love her--- the way I always do."
"I will always make you happy Alliah until the end.." sabi ko sakanya.
"You already made my life a true fairy tale Ivan. H'wag ka mag-alala. There is no single day that you failed to make me happy." niyakap niya ang mga braso ko.
"I am excited tomorrow. Kasal na natin bukas. Hindi ko lubos maisip na ikakasal ako. Alam ko naman kasing walang lalaking magmamahal sakin kapag nalaman nilang may sakit ako. Mahal kita Ivan...."
"Mas mahal kita Alliah, you have all the Disney princesses in you..."
*****
Tangan-tangan ko ngayon ang unan ng aking prinsesa, malungkot, balisa at hindi alam ang gagawin, inaamoy ang kanyang halimuyak- ang amoy kanyang naglalagas na mga buhok, dahil nauna na siya papunta sa bahay ng Panginoon.
Oo, patay na siya dahil sa matagal na niyang sakit na iniinda ilang buwan na rin ang nakalipas, iniwan na niya ako, iniwan na ako ng babaeng papakasalan ko bukas, ng babaeng gusto kong makasama ng panghabang-buhay. Bakit ngayon pa? Gusto kong iparamdam sakanya na may happy ending talaga. Gusto kong tuparin lahat ng mga pangako ko sakanya.. Ang maisuot sakanya ang wedding ring.
May nakita akong isang gusot na papel na nakasiksik sa malambot na puting unan. Malaki ang aking pagtataka kung bakit merong ganon doon kaya naman ito'y aking kinuha at tahimik na binuklat, 'yon ang sketch ng isang singsing na ginuhit ko para sakanya. Drawing pa lang yon sapagkat wala pa akong pera noon subalit ipinangako ko sakanya na' yon ay magiging totoo at yon ay maisusuot ko sakanya. Hindi ko akalaing itatago niya pala iyon at hahawakan hanggang sa huling oras niya sa mundo.
Meron din akong nakitang isang sulat mula sakanya. Binasa ko ito ng tahimik.
******
Dear my Prince Ivan,
If you are reading this message, this letter, I am already beside God, our creator. I am so grateful to meet a prince charming like you, you are my knight in shining armor.
Alam kong dito ka unang pupunta kapag ako'y namatay dahil ilang buwan na akong nakaratay sa higaan na'to at parati mong inaamoy ang buhok ko kahit ang mga ito'y naglalagas na. Parati mo sinasabi sakin na may happy ending hindi man matuloy ang kasal natin, totoong naging masaya ako simula nong nakilala kita.
Fairy tale is not about the ending, it is about the happy moments we have shared together. Pero masaya pa rin naman ending ko kasi ikaw ang lalaking nahanap at nakasama ko.
"Hi! Pwede bang tumabi sa'yo?" Thats the line you said when we first met. I could still remember that line even now and even after forever. Ang Prince Charming kasi dumadating yan sa panahong hindi mo inaasahan.
Sorry kung wala akong maibalik na banat at hugot sa'yo tungkol sa mga fairy tales na pinapanood ko, alam mo namang hindi ako magaling do'n di ba? Pero this time babawi naman ako sa'yo...
"Ikaw ba ang pitong kontinente?" Hindi na ako mag-aantay ng sagot sa tanong ko ha' kasi hindi ko na rin naman yun maririnig.
"Ikaw ang pitong kontinente ko kasi ikaw ang bumubuo sa mundo ko, ikaw ang laman ng daigdig ko."
I also made a poem for you ... that is how I profoundly love you... I was inspired by Frank O'Hara's poem pero mas inspired ako dahil sa'yo kaya ko naisulat ang tulang ito.
"Having A Coke With You"
Having a coke with you is even better than having the grandest tour to Seven Wonders of the World partly because you are the most magnificent creation God has ever made and partly because I could still see your awesome image even I close my eyes when I'm lying on the softest queen-size bed.
Having a coke with you is better than sitting under the darkest sky of the night with millions of shining heavenly stars partly because you are the brightest star I always want to look at, partly because you are more than the combination of all the constellations and partly because if ever one of them falls I would fervently wish to sit right next to you.
Having a coke with you is even better than holding my magical pen and write the perfect story that I want partly because you are my living perfect reality and partly because no words could describe how you made me continuosly fall in love.
Having a coke with you is even better than watching my favorite fairy tales in the most expensive flat screen TV partly because you are my knight in shining armor,my prince charming and partly because you are my greatest happy ending.
Having a coke with you is even better than eating the biggest scoop of ice cream on a hottest summer day partly because you are my coldest ice and gigantic iceberg in the North Pole that gives me chill and partly because the words that come out from your sweetest lips are colder than Arctic region's breeze of the icy wind that kills the heat.
Having a coke with you is even better than reading my favorite Harry Potter books partly because you are the strongest magic ever casted that no one could dispel and partly because you are a walking book of spell, every word that you spoke is a magic itself.
Having a coke with you is even better than facing all the handsome faces that this world could offer partly because you already possess all the characteristics and attributes of a man I dreamt of and partly because looking directly into your eyes is like seeing the world's population in a bird's-eye-view.
***
Thank you because you still choose to marry a sick lady, who looks like a witch not a Princess, my skin is pale but I'm not Snow White, I'm have no hair so I am not Rafunzel. Even you kiss me right now I won't be awaken.
I don't want you to be sad, just continue your life even without me.
At kung mabubuhay man akong muli ikaw pa rin ang pipiliin at iibigin ko hanggang sa huling sandali.
Mahal na mahal kita Ivan... Even in the last breath of my soul, I will still choose to love you evenmore.
Your Happy Ending,
ALLIAH
******
*Ivan's POV*
Alliah, hindi naman talaga unexpected ang lahat ng nangyari satin, pilit kitang pinaniwala na ang Prince Charming ay dumarating sa panahong hindi mo inaakala. Yung pag-upo ko sa tabi mo noong una tayong nagkita ay plinano ko talaga dahil gusto kong ipaalam sa mga babaeng umaaligid sakin na ikaw ang babaeng totoong mahal ko. Yung pag-inom ng tubig sa boteng ini-inuman mo ay sinadya ko rin gusto ko lang mahalikan ang babaeng matagal ko ng mahal kahit indirect lang.
Hindi ko alam na mayaman ka pala, nahiya ako bigla sa kalagayan ng pamumuhay namin pero pinili mo pa ring samahan ako at ipaglaban ang ating pagmamahalan.
Kinakausap ko siya habang yakap-yakap ang kanyang katawan na mapayapang nakahimlay, nakita ko ang kanyang mga magulang, at si Sky na umiiyak na din, namumula at namamaga ang mga mata, ramdam ko ang pighati at walang katumbas na kalungkutan sa kanilang mukha lalo na sa mukha ni Sky.

Tuloy - tuloy na umaagos ang luha sa mga mata ni Sky, naaawa ako sakanya. Alam kong minahal niya na si Alliah bilang isang totoong magulang niya.
Sila ang nag-abala para maisakatuparan ang pinapangarap na kasal ni Alliah pero hindi niya na pala ito makakamtan, hindi niya na makakamtan yung pangarap niyang pilit naming inilalapit sakanya sa kabila ng sakit niya, yung pangarap niyang gusto naming buhaying dalawa, yung pangarap na pilit kong ginagawan ng paraan para bigyan siya ng dahilan upang mabuhay pa ng matagal kahit nanghihina na siya, yung pangarap na kahit sa kahuli-hulihan ay gusto kong ibigay sakanya, yung pangarap na paulit-ulit naming pinapanood ng walang sawa simula noong nakilala at naging malapit kami sa isa't-isa, yung happy ending na kinukwento niya parati sakin, yung happy ending na pagtapos sana ng kasal namin ay magiging totoo...
Niyakap ko ng mas mahigpit si Alliah habang ang luha ng kalungkutan ay masaganang umaagos sa'king mga mata, gusto kong malunod sa dagat ng aking luha, sa pighati, sa kalungkutan.
Alliah, para saken ikaw ang pinaka maganda kahit pagsamasamahin pa ang mga prinsesa sa mga Fairy Tales na pinapanuod mo.
Ikaw pa rin ang Rafunzel ko kahit ang mahaba at mabango mong buhok ay unti-unting nalagas dahil sa sakit mo.
Ikaw pa rin ang Snow White ko kahit naging maputla ang kulay ng balat at ng mga labi mo.
Ikaw pa rin ang Cindirella ko na kahit hindi magkasya ang sapatos sa'yo ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ng puso ko.
Ngunit hanggang Prinsesa lang ba kita? Gusto kong maging hari kung saan nakaupo ka sa tabi ko bilang isang reyna. Subalit Paano?
Paano mangyayari iyon kung iniwan mo na akong mag-isa, balewala ang napakalaking kastilyo kung wala ka sa tabi ko. :(
Patuloy na umaagos ang malalamig na patak ng luha papunta sa aking mukha.. Halos hindi na ako makahinga ng maayos.
Lumapit na rin si Sky at niyakap niya si Alliah ng sobrang higpit habang siya umiiyak ng malakas.
-End Of Ivan's POV-
*Third Person's POV
Gumawa rin ng tula si Ivan para kay Alliah at hawak-hawak niya ito bago siya nalagutan ng hininga.
"Death Is Happy Ending"
You're more beautiful than Snow White,
Beauty trancends Cindirella's midnight.
Even your head completely with no hair,
For me you are more than Rafunzel...
I'll give a kiss to make you awake
Like Sleeping Beauty
You are my princess,
But will never be my queen
Why did you leave me?
And all our dreams in a sudden?
Later will be our wedding,
You left me with enigmatic words,
Even Shakespear cant write,
Even Holmes can't solve,
But I will still bring you my sworn ring,
Death cant stop me from loving,
You were sick and illed,
But you were the reason why I am living,
Pospone our wedding I think no!
Our love will forever grow
Even your coffin,
Even your tomb can't halt...
I'll follow you...
'Cause here I'll suffer the torments of hell,
Barren soul, heart and mind deep yearning..
Later when Pacific glimmered
Like diamond-studded golden silk
Wait for me...
I, with a ring and bouquet promise to MARRY you there.. :(
Sa sobrang kalungkutan, pagluluksa at pagmamahal kay Alliah mas pinili na ring mamatay ni Ivan upang doon sa itaas, sa langit ay maipagpatuloy nila ang kanilang happy ending, at maisakatuparan lahat ng kanyang mga pangako.
Walang bahid na pagdadalawang isip ang makikita sa malamig na katawan ni Ivan. Nakangiti siyang namatay habang may hawak na sulat at singsing sa kanyang mga kamay...
(#) (FIN)
(I have a short epilogue for this one guys I will publish it soon.