_______ Mas naging maayos si Adam ng sumunod pang mga linggo. Nakikipagtulungan na siya sa kanyang therapist, may mga araw din na iritado siya ngunit silay ko sa kanya ang determinasyon na makapaglakad ng maayos. "Hey," bati niya pagpasok ko ng condo. Napangiti ako bilang tugon. Dumiretso ako ng kitchen na ibinaba ang mga dala ko. Galing ako ng duty at dumiretso sa bahay. May mga dalang pasalubong sina Papa para sa amin. "Kamusta ang araw mo? kamusta ang therapy mo?" balik kong tanong sa living room. Hindi ko siya nasamahan sa Rehab dahil may importante akong gawa sa University kanina. Tumayo siya. Naglakad siya ng diretso papunta sa akin. Nanlaki ang mata kong napapalakpak. "Okay ka na?" masayang wika kong napahawak sa kanyang braso. Napangiti siya na tumango. "Ang galing! sabi ko

