CHAPTER 3

1668 Words
"HINDI mo ba sasagutin ang tumatawag sa'yo?" tanong ni Tina sa kay Ericka. Tiningnan ni Ericka ang hawak niyang cellphone at pagkatapos in-off niya ito. Halos ma-lowbat na siya dahil sa walang tigil ang tawag sa kanya ng kanyang mga kapatid maging ang kanya Nanay, ngunit hindi niya iyon sinasagot, hindi rin niya sinubukang basahin ang text ng mga 'to sa kanya dahil baka mag-dalawang isip siya sa desisyon, mukha lang pa lang madali ang lahat pero kapag nasa sitwasyon ka na parang nais mo'ng sumuko at kalimutan ang naging plano. "Kung ako sa'yo uuwi na lang ako, nag-aalala na ang mga magulang mo sa'yo bakit ka pa umalis," Bumuntong-hininga siya. "Hindi na ako pwedeng bumalik sa bahay," ani Ericka. "Bakit naman?" Tumingin siya sa kaibigan. "Bisexual ako Tina, pinagtapat ko na sa kanila bago ako umalis," Saglit na natigilan si Tina pagkatapos binato ako ng unan. "Gago!" "Aray! Bakit ayaw mo'ng maniwala?" "Paano ako maniniwala sa'yo hindi naman halata?" "Kailangan ba halata para maniwala ka? Hindi ko rin gusto 'yung ganito, pero sino ang maniniwala kung kahit ang sarili ko hindi ko kayang paniwalaan," "Masyado mo'ng sineryoso ang kakaibang nararamdaman mo tandaan mo Ericka, kahit tomboy ka o bisexual ka babae ka pa rin, hindi ka dapat natatakot na sabihin ang totoo sa iba," "Hindi ka na nadidiri sa'kin?" tanong ni Ericka sa kaibigan. "Sus! Parang tanga 'to, e, bakit naman ako madidiri may sakit ka ba na nakakahawa?" Ani Tina. Ngumiti si Ericka. "Akala ko maiilang ka sa'kin kapag nalaman ko ang totoo," wika niya. Umiling si Tina. "Bakit naman ako maiilang sa'yo," tinapik ni Tina sa braso si Ericka. "Sabihin mo nga sa'kin ang totoo, nagka-crush ka ba sa'kin?" "Luh, hindi kita type, kadiri ka," bahagyang umiwas si Ericka sa kay Tina na katabi niya sa upuan. "Tang ina mo! Diring-diri may virus ako? Parang sinabi mo na panget ako," lumalabi niyang sabi. "Ikaw nagsabi niyan hindi ako," pang-asar niya. "Tawagan ko kaya magulang mo at sabihin kong kasama kita?" "Joke lang, ang gaganda mo nga eh, sarap mo'ng isako," aniya. "Gago ka talaga!" Ani Tina. Nabawasan ang bigat na nararamdaman ni Ericka nang ipagtapat sa kaibigan ang totoo makakilos siya ng maluwag kapag may kasama na sila sa iisang bahay. Pansamantalang nakitira sina Ericka at Tina sa pinsan ni Tina na nagta-trabaho sa Manila. Kinabukas naghanap agad sila ng trabaho roon kahit factory worker o sales lady. Agad naman silang natanggap bilang factory worker at dahil kumpleto ang kanilang requirements na-bigyan agad sila ng referral para magpa-medical ng mga sumunod na linggo ay agad nag-umpisa na silang magtrabaho. Hindi naging madali sa kanilang dalawa ang una nilang trabaho, pagod at puyat ang kanilang naranasan ngunit sinikap nilang ipagpatuloy. "Ericka, may naghahanap sa'yo?" Bungad sa kanya ng isa nilang ka-boardmate sa apartment na inupahan nila. Biglang kinabahan si Ericka sa sinabi ng ka-boardmate niya, dahil mag-iisang buwan pa lang siyang nagtatrabaho at wala siyang kakilala sa lugar na 'yon.' "Sino raw?" tanong niya. "Nanay mo," sagot nito, pagkatapos lumabas na ito ng bahay. Parang gusto niyang 'wag ng pumasok sa loob ng bahay dahil hindi niya alam ang kung anong mangyayari sa loob, natatakot kasi siya sa anumang gawin ng kanyang Nanay. "Eriacka,"sambit ng kanyang Nanay nang makita siyang papasok ng apartment. Lumapit siya rito at nag-mano bilang tanda ng paggalang. "Bakit po kayo nandito? Paano n'yo nalaman kung nasaan ako?" Tinitigan siya ng kanyang Nanay, bakas sa mukha nito ang maraming katanungan. "May nakakita sa'yo na taga baryo natin na kasama ang kaklase mo kaya pinuntahan namin ang bahay ng kaklase mo para malaman namin kung saan nakatira," "Nay, may trabaho na ako rito," "Mag-resign ka sa trabaho mo at mag-aral ka ng college," "Nay, nabasa mo ang iniwan kong sulat sa cabinet ko?" Tumango ang kanyang Nanay. "Sinunog ko na 'yon dahil alam kong hindi naman 'yon tototo 'diba? Sinabi ko sa Tatay mo kaya ka umalis para may ipon ka pagdating ng pasukan, bumalik ka na sa bahay." Yumuko si Ericka. "Nay, bisexual ako, ayokong mag-aral ng gustong kurso ni Tatay, mag-iipon na lang ako ng pera para makapag-aral ng college," Hinawakan ng Nanay niya ang kamay niya. "Gusto mo na talaga akong mamatay na may galit sa'yo?" Bakas sa mukha ng kanyang Nanay ang inis. "May trabaho ako rito at masaya ako rito, sana ma-intindihan n'yo po ako," pakiusap niya. "Sige, kung ayaw mo'ng sumama sa'kin 'wag ka ng umuwi ng bahay, pinag-aaral ka para magkaroon ka ng magandang buhay, ang iba nga gustong mag-aral pero hindi makapag-aral dahil walang pera. Ikaw ayaw mo!" "Nanay…" "Sumama ka na sa'kin sa probinsiya at mag-aral ka ng nursing gusto 'yon ng Tatay mo, sige na anak," Huminga siya ng malalim. Hindi rin pala niya kayang titiisin any kanyang Nanay. "Sige, po pumapayag na ako," "Magbihis ka na at aalis na tayo ngayon," Wika ng kanyang Nanay. "Kailangan kong mag-resign sa trabaho ko, sa susunod na linggo na lang ako uuwi," "Hindi pwede, nag-uumpisa na ang klase kailangan mo'ng humabol, aalis na tayo ngayon," Walang nagawa si Ericka kung hindi ang sumunod sa kanyang Nanay, hindi na siya nakapagpaalam ng personal sa kanyang kaibigan dahil magkaiba sila ng shift. Agad silang nagbiyahe papuntang probinsiya. Ilang oras din ang tinagal nila sa biyahe. Pag-uwi nilang dalawa ng Nanay niya, sinermunan siya ng kanyang Tatay maging ang kanyang mga kapatid. Ang akala ng mga ito kaya siya nag-apply ng trabaho para magka-ipon bago magsimula ang pasukan, tanging ang kanyang Nanay lang ang nakakaalam sa totoo niyang dahilan. Kinabukasan sinamahan siya ng kanyang Tatay sa school para mag-enrol, tulad ng nais nitong kurso. Nursing ang kinuha niya kahit ayaw niya ito. Muli niyang naramdaman na wala siyang kalayaan. Pagdating nila ng bahay nakita niya ang kanyang Nanay na may kasamang binata. "Ericka, may aakyat ng ligaw sa'yo, anak 'yan ng kasama ko sa simbaham mabait 'yan," sabi ng kanyang Nanay. "Pagod ako Nanay, gusto kong magpahinga," sabay pasok niya sa loob ng kuwarto. Sinundan siya ng kanyang Nanay. "Ekay, harapin ang manliligaw mo," "Nay, hindi ko siya gusto, iba ang gusto ko," "Sinabi ko sa'yo hindi pwede ang gusto mo, babae ka pa rin kaya dapat sa lalaki ka magkakagusto. Harapin mo ang manliligaw mo at nakakahiya sa Mama niya," Wala siyang nagawa kung hindi ang harapin ang lalaking gusto ng kanyang Nanay para sa kanya. Pinakiramdaman niya ang sarili niya kung may nararamdaman siyang kakaiba ngunit sa tuwing tinitingnan niya ito nakakaramdam siya ng inis. Natatarayan tuloy niya ito. NAGSIMULA na siyang pumasok sa college kahit ayaw niya ang kursong iyon sinikap pa rin niyang matutunan ang mga tinuturo sa kanya. Ang hirap pilitin ang bagay na hindi mo gusto ngunit kailangang gawin para sa ikaliligaya ng iba. Ayaw niyang bumagsak dahil baka magalit sa kanya ang Tatay niya. Habang naghihintay siya ng jeep pauwi sa kanilang bahay, may isang estudyanteng lumapit sa kanya. "Nursing ka rin?" tanong nito sa kanya Matalim niyang tinitigan ang lalaki. Sa suot nitong uniform napag-alaman niyang computer engineer ang kurso nito. Hindi siya sumagot sa tanong nito. "Ang suplada mo naman, nagtatanong lang naman," sagot nito. She cross her arms and raised brows. "Pakialam mo?" Sagot niya. "Nagtatanong lang ako," sabi nito. "Tanga ka ba? Nakita mo'ng nakasuot ako ng uniform ng nursing pagkatapos magtatanong ka kung nursing ako," wika niya. "Malay ko ba akala ko kasi Janitress ka eh, ganyan din kasi ang uniform ng janitor sa mall," pang-iinis nito. Her middle finger salute him. "Gagu!" Pumara siya ng jeep at pagkatapos ay sumakay na siya. Nakipagsisikan siya sa loob ng jeep para lang makaalis na. Ayaw kasi niyang makausap ang lalaking iyon. Hindi talaga niya gusto ang lalaking nakikipag-usap sa kanya, naiinis siya. Mga kaibigan niyang lalaki lang ang kinakausap niya ng matino. Pagdating niya sa kanilang bahay, nakita niya ang kanyang Nanay na may kasama namang binata. Mula nang malaman ng kanyang Nanay na bisexual siya lahat na lang ng anak ng kasama niya sa simbahan ay pinapunta niya sa bahay kulang na lang ay ibenta siya sa mga ito. Naniniwala kasi ang kanyang Nanay na mababago pa ang nararamdaman niya. "Kausapin mo ang bisita mo, Ekay, anak 'yan ng kaibigan ko, nakita ka niya sa school mo noong high school ka pa, gusto raw niyang manligaw sa'yo," wika ng kanyang Nanay. Walang kibo siyang humarap sa lalaki. "Good afternoon," sambit ng lalaki. "Good afternoon," tipid niyang sabi. Tumayo ang lalaki at malapad ang ngiti sa kanya. "Ako nga pala si Ruben," sabay abot nito ng kamay. Hindi niya sana ito tatanggapin kung hindi niya nakita ang Nanay niyan nakasilip sa kanya. "Ako pala si Ericka, nice to met you," sabi niya. Gusto na niya itong prangkahin tulad ng mga lalaki naglakas loob na ligawan siya, ngunit hindi niya ginawa dahil alam niyang magsusumbong ito sa Nanay niya. "Nakikita mo ba ako sa school mo noong high school?" Sabi nito. "Hindi," "Nakikita kita roon ikaw nga ang muse sa school n'yo," wika nito. "Eh, ano naman ngayon?" Taas kilay niya. "Ang sungit mo naman," "Inaantok na kasi ako, e. Gusto ko na sanang matulog," sabi niya. "Gano'n ba, sige babalik na lang ako bukas dito," tumayo ito upang umalis. "Kahit 'wag na!" sagot niya. "Ha?" tanong nito. "Sabi ko kahit 'wag muna bukas kasi may praktis kami bukas gabing-gabi na ako makakauwi," alibi niya. "Sige, sa susunod na araw na lang, Alis na ako," sabi nito. Hindi na siya tumayo para ihatid ito sa labas dahil ang Nanay niya ang nahatid sa labas. Pumasok siya sa kuwarto niya at humiga sa kama. Habang nakatittig siya sa ceiling. Unti-unti namang tumutulo ang luha niya, habang tumatagal kasi unti-unting sumisikip ang mundo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD