Chapter- 3

1511 Words
ROSEANNE SA tatlong buwan na nakalipas walang palya ang pagpasok ni Matteo dito sa aking silid. A usual, paulit-ulit niyang pagsasawaan ang katawan ko. Lalabas lang siya mula sa aking silid kapag halos ubos na ang kanyang lakas. Hindi ko alam kong bakit kahit subukan kong tumangi ay hindi ko rin mapanindigan. Nawawala ang lakas ng loob ko na tutulan ang bawat naisin niya. Lalo at sa tuwing didilaan niya ang aking buong katawan ay napahinuhod na lamang ako. Ang bawat haplos ng mainit niyang palad ay nakakawala ng aking lakas. At ang katawan ko ay kusang naging mapagbigay sa kanyang mga kagustuhan. Sa huli ay walang kapaguran niya akong inaangkin. Ang tanging nagagawa ko lamang ay umungol, lumiyad at paulit-ulit isisigaw ang kanyang pangalan. Para siyang droga na habang patuloy tinitikman ay mas nakapagdudulot ng adiksyon. - KASALUKUYAN akong palabas mula sa aking silid ng napansin ko ang isang kasambahay. Nakatitig siya sa akin at nang akma ko siyang babatiin ay biglang tumalikod. Dahil sa ginawa niya ay napaisip ako kung ano ang ibig sabihin non. Galit ba siya o baka namaan umiiwas lang sa akin? Pero para saan, samantalang siya ang babaeng sumalubong sa akin noong unang dating ko sa mansion na ito. Malapit na ako sa main door ng may humablot sa akin. Ikina bigla ko ang magkasunod na sampal na tumama sa aking mukha. Sa lakas ay halos natulig ang aking maka bilang taenga. Napaiyak na rin ako dahil sa sakit ng pagkakahawak niya sa braso ko. Nais kong mag protesta ngunit kinaladkad niya ako papasok sa loob ng bahay. Hanggang humantong kami sa silid ng aking asawa. Hindi ko pa man lang napag sino ang taong sumampal sa akin kanina. Isa na namang malakas na sampal ang dumapo sa aking mukha. Sa puntong yon ay napatingala ako at sumalubong sa aking mga mata ang halos nagliyab sa galit na si Matteo. “B-Bakit mo ako sinasaktan anong kasalanan ko?” luhaan kong tanong sa kanya. Ang aking dibdib ay naninikip sa matinding galit. Sino ba ang tatahimik na lang basta kung basta sasaktan ng ganun? “Nagawa mo pa ang magtanong? Dumadagundong na ang malakas na boses ni Matteo. At sa puntong yon ay luminga ako sa paligid. May mga tao na hindi ko kilala pero ang mga titig nila sa akin ay parang gusto na nila akong patayin. Tumutok ang mga mata ko sa malaking kama kung saan nakahiga ang aking asawa. Subalit napatakbo ako palapit dito ng makitang walang dugo ang labi nito. “Take her! At siguraduhin ninyo na hindi siya makakatakas!” malakas na utos ni Matteo sa mga tauhan. “Sandali!” Hindi alam ni Roseanne kung saan siya kumuha ng lakas upang makapagsalita. “Bakit nyo ako ginaganito? Basta na lang sasaktan ng walang dahilan! Kung wala kayong respeto sa akin bilang tao ay irespeto nyo na legal akong asawa ng abuelo mo, Mr. Matteo!” “How dare you! Para sagot sagutin mo ang aking anak?” isa na naman malakas na sampal ang tumama sa aking mukha. Kahit gusto kong sumagot ay tuluyan sumara ang aking bibig. Naalala ko na ang ginang, ina ito ng best friend ko. Isang beses ko lang siyang nakita noon pero hindi ko makakalimutan ang mukha nito. Dahil malaki ang hawig niya sa aking kaibigan si Misha Mae. “T-Tita Maggie, ano po ang kasalanan ko bakit nyo ako sinasaktan?” hindi siya sumagot bagkus ay mahigpit akong hinawakan sa braso at malakas na hinila palapit sa aking asawa. “You killed him! Tapos magtataka ka pa kung bakit ka namin sinasaktan? Mas higit pa diyan ang parusang nararapat sayo!” sigaw ni Tita Maggie na halos mag liyab ang mga mata sa matinding galit. “P-Patay na ang asawa ko?” at mabilis kong hinawakan ang kamay nito. Ngunit malamig na iyon at wala ng buhay. “T-Tita Maggie, paano po siya namatay? Samantalang wala naman akong alam na may sakit ang aking asawa?” “Huwag kang magpanggap na inosente, pinatay mo ang aking ama!” “Tita Maggie, maniwala po kayo sa akin wala akong alam. Ngayon lamang po ako lumabas sa aking silid sa katunayan alam po ni….” pinutol ng malakas na sampal ang ibang nais kong sabihin. Pagkatapos ay hinawakan ni Matteo ang aking buhok at hinila ng malakas kaya napatingala ako sa kanya. “Huwag kang gumawa ng ibang eksena! Binabalaan kita, hindi mo matatakasan ang batas!” “Pero wala naman akong kasalanan. Alam mo naman kung nasaan ako kaga…” “Shut up!” sabay hila ni Matteo sa aking braso at kinaladkad ako palabas ng silid. Nasalubong namin ang kaibigan kong si Misha Mae, nabuhayan ako ng loob siya lang ang maaaring makatulong sa akin. “M-Mae…” ngunit muli ay malakas sampal ang aking natanggap. At unti-unti akong nakaramdam ng kawalang pag-asa. Paanong nangyari sa akin ang ganito? Wala akong sinasaktan tao para ito ang sapitin ko. Pagdating sa basement ay sinakal ako ni Matteo. “Subukan mong sabihin sa kahit sino ang tungkol sa atin. Hindi lang yan ang matitikman mo sa kamay ko!” sumagot ako ngunit muli niya akong sinampal. Sa mga oras na yon ay unti-unting namanhid ang aking pakiramdam. Ngayon ko naramdaman ang pag-iisa. Kung noon laging nasa tabi ko ang aking bestfriend kapag may problema ako. Lagi niya akong tinutulungan sa lahat, financial support o maging moral support lagi siyang naririyan. “Ms. Roseanne Montejo?” “Opo, mamang pulis.” bago binuksan ang rehas. Ang buong akala ko ay palalayain na nila ako. Ngunit pinusasan at dinala sa naghihintay na patrol car. “Sir, pakiusap maniwala po kayo, hindi po ako ang pumatay sa aking asawa.” “Tumahimik ka, sapagkat sa bawat salita na lalabas diyan sa bibig mo ay pwedeng madagdagan ang kaso mo.” tinikom na lang niya ang bibig bago muling dumaloy ang luha sa aking pisngi. Pagdating sa presento ay hiningan ako ng salaysay. Maya maya ay may mga lalaking dumating at kinuha ako. “Saan nyo po ako dadalhin?” “Tumahimik ka!” sa puntong yon ay napuno ng takot ang aking dibdib. Lalo ng makita ko ang tattoo ng mga ito. Hindi ko iyon makakalimutan at kapag na isama ako ng mga ito sigurado kamatayan ang naghihintay sa akin. Malapit na kami sa parking ng matanaw ko si Matteo, pababa ito ng sasakyan kaya malakas kong tinawag. Nagkaroon ako ng pag-asa ng makita na nag lakad siya patungo sa kinaroroonan ko. “Take her! Siguraduhin nyo na hindi siya makakagawa ng eksena!” sa narinig ay tuluyan na akong nanghina. Ganun pa man kailangan ko paniwalain si Matteo na wala akong kasalanan. Kaya tumakbo ako at mabilis na lumuhod sa kanyang harapan. “Please, huwag mo akong ibigay sa kanila. Subalit malakas niya akong sinipa at bigla ang kirot na gumuhit sa aking tiyan. Kasunod ay nagdilim ang aking paligid. Pero bago pa ako nawalan ng malay ay natawag ko pa si Matteo. Nagising ako sa isang silid, sinubukan kong bumangon ngunit nakaposas ang aking kamay. Meron din dextrose sa kabilang kamay ko at nanghihina rin ang aking pakiramdam. Luminga ako sa paligid nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok sang isang nurse kaya agad kong kinausap. “N-Nurse, anong nangyari sa akin bakit ako naririto?” nagtataka kong tanong sa kanya. “Hindi mo alam na buntis ka?” “B-Buntis ako?” agad kong nahawakan ang aking tiyan. “Oo, six weeks ang bata sa iyong tiyan pero nalaglag siya dahil sa dami ng dugo na nawala sayo.” napahawak si Roseanne sa puson, hindi napigilan ang luha. “Wala man lang akong idea na ang itinuturing kong matalik na kaibigan ay isang b*tch! Akala ko mabuti kang tao kaya nakipag kaibigan ako sayo.” napadilat ng mata si Roseanne ng marinig ang boses ng kaibigan. “M-Mae, please maniwala ka naman, hindi ako ang pumatay sa iyong abuelo.” “Tama na huwag mo na akong pilitin maniwala sa kasinungalingan. Fingerprint mo ang nasa baso, nilason mo si Lolo. Siguro iniisip mo na kapag namatay siya ay biglang yaman ka. Tapos nagpabuntis ka pa sa ibang lalaki upang palabasin na anak ni Lolo?” “Hindi totoo ang mga sinasabi mo, pakiusap pakinggan mo naman ako. Magkaibigan tayo at alam kong kilala mo ang buong pagkatao ko.” “Yeah, akala ko nga kilala kita pero nagkamali ako. Nakipag kaibigan pala ako sa isang gold digger na murderer!” “M-Mae…” “Stop! At simula ngayon, tandaan mo ang sasabihin kong ito. Wala akong kaibigan na katulad mo! Pinagsisihan ko rin na nakilala kita!” mabilis na tumalikod si Misha Mae at kahit nais ko pa siyang tawagin ay napahagulhol na lamang ako. Tukuyan ng nawala ang kaisa-isang tao na meron ako. Unti-unti akong nakaramdam ng galit. Hindi lang sa mga taong tunay na may kagagawan kung bakit nasa ganito akong sitwasyon. Kundi sa Diyos, alam ko sa aking sarili na mabuti akong tao. Pero bakit pinabayaan NIYA ako, kaya ganito ang sinapit ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD