"I-I'M sorry!" nanlalaki ang mga matang sabi ni Simon James sa kaniyang sekretarya matapos siyang mabalik sa katinuan at mapagtanto kung ano ang nangyari. "M-Maureen…" Pati si Maureen ay nanlalaki rin ang mga matang nakatingin sa kaniya na tila hindi rin naproseso sa isip nito kung ano ang nangyari. Napahawak ito sa labi at ilang sandali pa ay wala itong sabi-sabing umalis, lumabas ng kwarto, sinundan agad ni Simon James ang kaniyang sekretarya ngunit nang makalabas siya ay siyang pagpasok nito sa kwarto nito. Napasabunot si Simon James sa kaniyang buhok sa iritasyon habang tahimik na kinukwestiyon ang kaniyang ginawa. Kahit siya ay nagulat at hindi rin alam kung ano ang nag-udyok sa kaniya para gawin ang bagay na 'yon. Nangangamba tuloy siya na baka nabastos niya ang dalaga sa biglaan

