Nagising si Yezia na dinidilaan siya ni bentley sa mukha "Baby boy mabaho hininga mo stop" Sabi ng dalaga habang tumatawa. Bumangon na siya at gumawa na ng agahan at kape niya, sa wakas nakaranas na rin siya na mapayapa at stress-free na paligid. Walang stress at walang lalaki na gugulo sa isip niya. Kahit siya lang at aso niya ang nasa penthouse niya ay sanay na siya duon at nagbibigay naman ito sa kaniya ng kasiyahan. Dumeretso ang dalaga sa pintuan para kunin ang newspaper na laging ginagawa ng mga staff or janitor dito. "Good morning, Kuya Jay!" Bati ni Yezia sa Janitor habang kinukuha niya ang newspaper. Ngumiti naman pabalik ang lalaki at tinuloy ang ginagawa nito, napansin ni Yezia na may dalawang box na nasa kaharap niyang pintuan "Kuya Jay, may maglilipat po ba diyan? Akala ko

