After three surgeries sa wakas nakapagpahinga narin ang dalaga. Kahapon pa siya deretso nagooperate sa mga pasyente niya, halos 'di siya nakakain ng maayos maski dinner hindi na siya nakakain dahil kailangan na siya agad sa operating room. "Good morning!" bati ng isang doktor "Good morning too!" sabi ng dalaga bago pumasok sa opisina niya, pagpasok niya kaagad siya humiga sa couch at nilagay ang kamay sa noo. Wala siya halos enerhiya para bumaba sa cafeteria at kumain, pipikit na sana siya para itulog ang gutom niya pero may katok na nambulabog sa kaniya "Dra. Montes, someone is here to see you" sabi ng nurse pagpasok, tumango nalang si Yezia indicating na papasukin ang tao na 'yon. Ipinikit ni Yezia ang mata niya nung narinig niya na lumabas na ang nurse 'Akala ko ba may tao?' sabi niy

