[MARINA POV] Kinaumagaan kasama si Phoenix, pinuntahan niya ang maliit na tindahan ng kanyang Nana. Hindi ito nakauwi kagabi dahil busy pa rin ito sa pagbabantay ng mga pamangkin ng kanyang kapatid. Nasa ospital pa kasi daw ito hanggang ngayon at hindi pa bumubuti ang pakiramdam. Pinakiusapan siya nito na kung may oras siya, puntahan muna niya ang tindahan nito para ma-check man lang ang kondisyon ng mga tinitindang mga purseras at souvenirs na binibenta ng kanyang Nana. Wala naman din siyang masyadong ginagawa at hindi naman lumabas ng bahay si Phoenix hangga’t hindi din siya lalabas dahil sa konting di pagkakaintindihan nila kahapon kaya isinama niya ito para na din makita nito ang tindahan ni Nana. Pagkadating nila sa tindahan, napahanga agad si Phoenix sa mga produkto na gawa ng kan

