[MARINA POV] Araw ng linggo at nasa bahay lang siya pati na ang kaibigan niya na si Carra. Plano sana nilang mamasyal ngayong araw pero ng dahil sa hectic ang trabaho nila lalo na sa bago lang nilang natapos na project kahapon sa pag-decorate para sa 18th birthday celebration. Masaya silang lahat dahil na-appreciate ng client ang kanilang designs at effort. Sobrang nagpapasalamat ang pamilya at ang birthday celebrant sa kanilang trabaho. Kaya heto siya, nasa kanyang kwarto at nagtutupi ng mga damit na bagong laba. Kumatok at binuksan ni Carra ang pinto. “Marina, kapag tapos ka na diyan, punta ka lang sa kusina. May binili akong meryenda. Inilagay ko lang sa lamesa.” “Okay. Salamat, Carra.” “Okay! Happy cleaning!” Natapos na siya sa kanyang ginagawa. Imbes na tumayo at ilagay ang mga

