[MARINA POV] “Good morning!”Bati nila Jane at Ritch pagdating nila sa office. “Good morning, guys! Ang aga niyo naman.”- Carra. “Siyempre para hindi ma-stuck sa traffic at hindi pagalitan ni Boss. May bago na naman yata tayong project na gagawin kaya ang maaga tayo ime-meeting ni Ma’am Chi.”- Ritch. Araw ng lunes at sinabihan silang lahat ng staff na maaga ang kanilang meeting para sa bago nilang gagawin project. Malalaman nila kung anong bagong theme ng design kapag dumating na ang kanilang boss. Ilang minutong paghihintay, dumating na din ang kanilang boss. Nasa meeting room na silang lahat. “Good morning! It’s Monday so we have a good day to start this new and important project to discuss. But, for of all meron akong good news para sa inyong lahat. Yesterday, the client was so ple

