[MARINA POV] Wala naman siyang gagawin na importante ngayon, ginugol na lamang niya ang sarili sa paglilinis ng bahay. Wala din ngayon ag kanyang Nana dahil may importante din itong lakad kaya hanggang gabi na ito uuwi. Masarap ang simoy ng hangin ngayon. Marami din mga kapitbahay lalong lalo na mga bata ang lumalangoy sa katabi lang ng resort. Summer season na din pala kaya sobrang nage-enjoy ngayon ang mga tao. Might as well mage-enjoy din siya sa gagawin iyang paglilinis ngayon sa bahay. “Ate Marina!” Patakbo ito papalapit sa kanya Si Maya pala. “Oh, Maya. Naparito ka?” “Kinukumusta ka. Anong gagawin mo ngayon araw, Ate?” “Hm… Maglilinis lang ako ng bahay. Nakakaboring eh wala pag wala masyadong magawa.” “Ganoon ba? Tutulung po ako. Ako din walang magawa.” “Pero ang mama mo? Ok

