[MARINA POV] Hindi pala sa labas makakakita siya ng maganda, pati din sa loob ng bahay ni Phoenix. Pagpasok pa lang niya sa loob, parang nasa loob siya ng isang magazine na nakikita niya dahil sa interior design mula sa sala, bintaa at sa iba pang sulok ng bahay. Pakiramdam niya ang liit-liit niya. “This is the living room. Kung gusto mo manood ng television, di kaya magbasa libro o ano man ang gusto mong gawin, you’re free to do what you want. Kung gusto mo maligo, may maliit na swimming pool ditto.” Binuksan nito ang malaking glass door at nandoon ang tinutukoy nitong swimming pool. Maliit man ito, sobrang ganda naman dahil napapalibutan ito ng mga halaman at meron din nakatali na maliit na swing. “As I said, kahit hindi ka na humingi ng permiso sa akin, this house is yours. Kung nam

