[PHOENIX POV] “Auston, alam ko na birthday mo kahapon pero huwag mo naman iwan sa ere ang party mo. Pati na din si Jessica. Sinabi niya na bigla na lang sumakit ang tiyan mo pagkatapos hindi ka na bumalik. Hindi ko alam anong ipapaliwanag ko sa kanila, hijo.” Umaga na niya sinagot ang mga tawag ng kanyang mama. Alam niya na malalaman nito ang biglang pagalis niya sa party kahapon. Kailangan lang niya magpaliwanag at mag-sorry. “Pasensya na po, Ma. Masakit nap o talaga ang tiyan ko kahapon. Ayoko naman po mag-number 2 sa party, might as well uuwi na lang po ako, hindi ba.” “Auston, ah? Nagpapalusot ka na naman diyan.” “Ma, I swear ayoko lang mapahiya at tsaka, wala naman po problema kung umalis na ako ng maaga sa party, hindi po ba? At Ma naman, pagbigyan mo na ako. Birthday ko naman a

