[MARINA POV] Hindi siya mapakali habang tinitignan ang kanyang cellphone at ang numero na tatawagan niya. Gagawin ba niya ito ngayon? Ito na ba ang tamang oras na gawin ito? Papaano kung hindi? Bakit hindi siya mapakali? Tinitigan niya ang hawak niyang dokyumento. Sa wakas, nasa kanya na ang hinihintay niyang titulo ng resort. Nakapangalan na sa kanya at pwede na niyang maibenta ito. Magandang balita naman ito hindi ba so bakit siya natatakot sa tawagan si Phoenix? Hindi ba ito naman talaga ang pakay nito? Ang bilhin ang resort? Tama naman siy, hindi ba? Oo! Hindi? Nalilito na siya! Nagaalala lang siguro siya sa mga susunod na mangyayari. Teka, ano ba ang inaalala niya?! Si Phoenix ba? Si Phoenix ba ang dahilan kaya siya nagkakaganito? No! Hindi siya pwede magpadala sa kanyang damdam

