[MARINA POV] “Excited na ako sa susunod nating project. Hindi pa rin ako nakakapag-moved on sa ginawa natin last month. Alam niyo ba, first time ko hindi lumabas ng bahay ng dalawang araw dahil sa sakit ng katawan?” –Jane. “Pero nag-enjoy naman tayo. At ang bait din ni Ma’am Janelle dahil pinasali nila tayo sa party lalo na ang malaking bonus!” –Carra. “Speaking of bonus, ginastos niyo na ba ang mga natanggap ninyong bonus.” “Ako, binayaran ko agad ang tuition ng kapatid ko. Final exam na nila next week.” Sabi ni Ritch. “Ako naman, wala. Hindi nga ako makalabas ng bahay hindi ba? Kayo ni Carra, Marina?” Sabi naman ni Jane. “Pati rin kami nasa bahay lang. buong araw din kami nagpahinga.” –Marina. “Kung mauulit na naman iyon, I don’t mind. Maganda ang bayad sa atin, eh.” – Jane. “Yep

