[PHOENIX POV] Phew! Buti may iba na siyang ginagawa. Hindi ako makakapg-focus kapag pinapanood niya ako. While nagluluto siya sa paboritong pagkain nito, hindi siya makapag-concentrate sa mga titig nito. Ilang sandali na lang baka may magawa siyang mali dahil rito. Wala kasing tumitingin sa kanya habang nagluluto kaya ganito ka masyadong naasiwa lalo na ine-expect nito na magiging masarap ang luto niya. Well, pati na din siya. He will be the death of him kapag hindi nito magugustuhan ang inihanda niya. Half day lang siya sa opisina. Pagkatapos niyang dumalo sa isang meeting, agad na siyang pumunta sa restaurant kung saan may kakilala siyang chef na marunong magluto (siyempre naman!). Si Fabian. Kaibigan niya ito at business partner. Iyon din ang lugar kung saan sila sinet-up ng kanyang

