[MARINA POV] “Hi, Nana.” “Oh! Ginulat mo naman ako! Nakauwi ka na pala?” Sinadya niyang hinatyin si Nana na makauwi. Meron naman siyang dalang susi ng bahay pero wala siyang lakas para pumasok at dalhin ang mga gamit niya sa loob. Wala naman siyang masyadong ginagawa pero nakaramdam siya ng pagod paguwi niya ditto. Nawala na yata ang bias ng full body massage sa kanya kahapon. “Opo. Kanina pa po.” “Bakit hindi ka pa pumasok sa loob.” Nakita nito ang mga nakatambak pa na mga gamit na dala niya. “Hinitay mo pa ako dumating? Wala ka bang dalang susi?” “Meron naman po. Gusto ko lang po tumabay ditto sandali." “Ikaw talagang bata ka. Ako na magdadala ng iba mong gamit sa loob. Nagalmusal ka ba bago ka umuwi ditto?” “Hindi po. Maaga po kasi ang pasok ni Phoenix kaya nagpasya ako na maaga

