Agad akong napabalikwas at lumingon sa likod namin na sasakyan. Nakabukas na ang bintana sa kanang side nito at nakalabas ang baril ng isang bodyguard at sunod-sunod na nagpapaputok sa likod nito. Mabilis din na nagsibunot ng baril ang mga bodyguards at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Winter sakin. Nilingon ko ito at bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Hinaplos ko ang pisngi nito at nginitian. Gusto kong iparamdam dito na wala dapat syang ipag-alala. Huminto ang kotse na nasa likod namin at kita ko na nagbabaan ang mga ito at nakaumang ang mga baril habang kami ay dire-diretso sa pagtakbo "Teka! Hindi ba tayo hihinto? Mukhang may kaengkwentro yung naka-convoy satin" wika ko na nakatingin sa nagda-drive ng sinasakyan namin. Hindi ito nagsalita hanggang sa naglipat lipat ang ting

