Dinala sya ni Winter sa isa sa mga penthouse na pag-aari nito. Kailangan nya muna magtago hanggang dumating ang araw ng pagpapasa ng posisyon para sa empire. Alam nyang kumikilos na ang ama ni Theo para maisakatuparan ang binabalak nito na mag-take over sa empire. At hindi nila papayagan na mangyari iyon. Si Theo ay kasalukuyang nasa safe house dahil kailangan pa nila ng mas matibay na ebidensya. Pag-uusapan pa nila at ilalatag ang plano pano tatapusin ang kasamaan ng mga Del Carmen gayundin ang Blue Shadow. Nang makarating sila sa loob ng penthouse ay nag-umpisa nanaman lumikot si Winter. "Ano ka ba, huy?! Sandali nga! Hindi ba muna tayo kakain?" maktol nya dito habang pilit nyang nilalayo ang katawan nito sa kanya. "Iba kasi gusto ko kainin, Mi Love. Ikaw!" at kumagat pa ito sa l

