Episode 2

1402 Words
Mabilis na lumipas ang mga araw. Ilan linggo na lang din ay malapit na kaming grumaduate. Naging maayos ang pag papanggap namin ni calvin. Pero nitong mga nakaraang araw ay parang nag bago ito. Nawalan ng interest sa dating nobya. Siguro ay nag sawa narin dahil hindi naman sya nito pinapansin. Nagulat ako ng may humawak sa bewang ko, Nang tignan ko kung sino ito nanlaki ang mga mata ko ng makita ang gwapong gwapong si calvin sa suot nitong puting v-neck shirt at black urban pipe short. Napaka bango na talaga naman nakaka adik. Maraming nakatingin sa gawi naman dahil napapanganga ka talaga sa gwapong nilalang na ito. Kasalukuyan akong andito sa isang coffee shop sa isang mall. Biglang nag aya si calvin na manood ng sine at kumain sa labas. Hindi ko alam kung bakit. Wala syang sinabing iba sakin. Siguro ay dahil malapit ng matapos ang pag papahirap nya sakin. Ay este pag papanggap namin kaya niyaya nya ako bilang pasasalamat. Simula nung nangyari sa park ay iniwas ko na ang sarili ko sa kanya. I mean ang puso ko. Alam kong masasaktan lang ako pag hindi ko tinuruan ang puso kong tigilan ang pag ka gusto sa kanya. Tinuon ko sa iba ang atensyon ko, Pag hindi kami nag kikita ay nag fofocus ako sa pag aaral , yoga pag gawa ng kanta at pag gigitara. Mahilig kasi akong kumanta at hilig ko rin sumulat ng kanta. Medyo effective naman kasi alam kong nababawasan ang pag ka gusto ko sa kanya. Hindi na ako masyadong nasasaktan. Oo, may kirot parin pero hindi na ganon kasakit. Hi. Kanina ka pa? Hi. Hindi naman, halos kararating ko lang din. Good to hear. So, what do you want to do first? Let's watch movie or have a lunch first? Manood muna tayo ng movie calvin. Late narin naman ako kumaen kanina ng breakfast kaya busog pa ako. Ikaw kumain kana ba? if you want to have a lunch first it's okay , baka kasi wala ka pang kain mula kaninang umaga. No. i'm okay, hindi pa naman ako gutom. Let's go? Tumango lang ako dito para pang sang ayon. Sabay na kaming nag lakad papunta sa sinehan ng mall na ito. Tahimik lang itong nag lalakad katulad ko. Nasa thirdfloor ng mall ang sinehan kaya kailangan pa namin sumakay ng escalator para makarating dito. Hinawakan nya ang kamay ko upang alalayan akong makasakay. Nginitian ko lang ito , nakarating kami sa sinehan ng hindi nya binibitawan ang mga kamay ko. Maramihg nakatingin samin mga kababaihan. Siguro nga ay gwapong gwapo sa kasama ko yung iba ay nag bubulungan pa. Tignan mo ang pogi oh! Hmm! parang napaka yummy bessie! Sayang may girlfriend na. May pag padyak pa ito ng paa. Hindi ko mapigilan mapangiti dahil sa ginawa nito. Literal na Girl Friend nya ako. Babaeng kaibigan kung alam nyo lang. Hey okay ka lang? bakit ka naka ngiti? dati ka bang baliw? hahaha Hindi ko naiwasan paluin ito. Ginawa pa akong baliw. Sabagay sino ba naman ang hindi mag iisip ng ganoon kung bigla bigla ka na lang nangiti ng hindi alam ng kasama mo. Dati ka rin bang gago ha? Hindi ako baliw okay? May nakita lang ako doon na batang cute kaya ako napangiti. Pag sisinungaling ko rito. Halika na nga , Bumili kana ng tiket para makapasok na tayo tsaka popcorn at drinks wag mo kalimutan antayin na lang kita doon sa bakanteng upaan, sabay turo nito kung saan. Sige , Wag kang lalayo ha? Baka bigla kang atakihin. Remember dati kang baliw. hahahaha Binitawan nito ang kamay kong para ng nangingimay sa pag kakahawak nya. Hindi ko na nagawang sagutin ang pang aasar nito dahil mabilis rin itong nag lakad papalayo sakin. May matandang nakatingin sakin dahil sa sinabi ng lalaing yon. Akala nga siguro nito ay dati akong baliw at ano mang oras ay bigla ko syang atakihin. Nginitian ko lang ito at itinuon na ang paningin sa ibaba. Hindi naman nag tagal si calvin , mayamaya rin ay dumating na sya. Pumasok na kami, isang large popcorn lang ang binili nya at dalawang drinks. Mag hati na lang daw kami para sweet. - Halos mag dadalawang oras bago natapos ang palabas. Masaya kaming lumabas sa sinehan. Comedy movie kasi ang pinanood namin. Puro kami tawanan at pag kukulitan sa loob muntik na ngang matapon ang popcorn sa nasa harapan namin. Tara kain tayo? Nagutom ako kakatawa. Saan mo gusto? Hmmm. Nakain ka ba sa fastfood? Pwede ba tayo sa jollibee. Si kuya kasi one time ay may dahil jollibee bigay daw ng may crush sa kanya. Hindi nya kinain dahil busog pa daw sya. Kaya kinuha ko at dinala ka sa kwarto at doon ko kinain. Napaka sarap first time ko kumain ng jollibee. Nasanay kasi ako sa luto sa bahay at restaurant kaya bilib na bilib ako sarili ko ng makakain ako noon. Amaze na amaze na pag kukwento ko rito. Yeah sure. No problem , basta ikaw. Let's go? Hinawakan ulet nito ang kamay ko at hinila ako papunta kung saan nasaan ang pwesto ng jollibee sa mall. Tinignan ko ito mula sa likuran , parang kanina nya pa ako hinahawakan ng walang permiso. Noon kasi ay sinita ko sya na wag basta hahawak sa akin dahil hindi ako sanay. Kaya kapag andyan si shaira ay nag papaalam muna ito o kaya ay sumesenyas bago humawak sakin. Hoy! Anong oorderin ko? Pinitik nito ang noo ko. Napahawak naman ako sa parteng yon dahil masakit. Hindi ko na namalayan na andito na pala kami. Maraming tao hindi ko inexpect na ganto pala dito. Napatingin lang din ako sa kanya dahil ang totoo ay hindi ko rin alam kung ano. I don't know. Remember ngayon lang ako makakain dito mismo. Bigla itong napakamot sa ulo , kaya natawa na lang ako. Hello ma'am and sir, good afternoon. Welcome to jollibee can i take your order? Mas lalong naoakamot ng ulo ito ng mag salita na ang crew. Ah eh, sorry hindi ko alam eh , wait lang ha. Ikaw ba ano gusto mo ? Pili kana dyan sa taas. Hmmm. 2 order ng spaghetti ,spicy chicken mango pie, fries aloha burger at ice cream. Pasensya na miss ah , firstime namin kumain dito ikaw ng bahala sa inorder ko basta tig 2 order yon dahil dalawa kami. Ngumiti na alng ito at napakamot sa ulo. marami pa syang tinanong katulad ng kung anongsize ng fries at kung anong drinks akung ano ano pa. Nang makabayad ay nag hanap na kami ng pwedeng upuan dahil iseserve na lang daw a ng crew ang inorder namin. Dahil nga maraming tao ay nahirapan kaking makahanap ng pwesto. Buti na lang ay may couple na katatapos lang kumain at inalok ang pwesto nila bilang kapalit. Mabilis naman kaming sumangayon dahil narin sa gutom anong oras narin kasi. Dumating ang order namin at sabay namin itong kinain. Katulad ko ay nasarapan din itong kumain. I told you. Masarap ang jollibee. Isa na ito sa favorite ko. Yeah it's good. Ayoko lang ng mango pie na ito. Hindi kasi ako nakain ng mango. Bakit naman, ang sarap kaya nito. Nginitian lang ako nito tsaka sya kumain ulet. Marami kaming napag usapan. Nang makakain ay nag punta pa kami sa tom's world para mag laro. Masyado kaming naaliw at hindi na namalayan ang oras. Madilim na ng napag pasyahan naming umuwi. Hinatid nya ako hanggang samin, may dala naman itong sasakyan hindi tulad ko na lagi lang nag papahatid kay kuya isme dahil hindi pa ako masyadong marunong mag drive. Mabilis naman kaming nakarating sa bahay dahil hindi naman ganoon ka trapik. Bumaba ito ng sasakyan at umikot sa pwesto ko para pag bukasan ako ng pinto. Thank you for taking me home. And thank you for this day too. I'm really happy. Ingat ka sa pag uwi. Thank you. o-okay lang, salamat din dahil sinamahan mo ako ngayon. Thank you. Nag paalam na ako rito at nag lakad na papasok ng hawakan nya ang palapulsuhan ko. Wait... Natigilan ako at biglang natulala ng biglang lumapat ang mga labi nya sa mga labi ko. Nanlaki ang mga mata ko hindi ko alam kung anong sunod na gagawin ko. Nag hahalo ang emosyon ko. Sa sobrang pag kabigla ay naitulak ko ito. Hindi ako agad nakapag salita para akong biglang nawala sa ulirat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD