Chapter 68 Shany "Anak, akala ko hindi na kita mayayakap pang muli. Akala namin iniwan mo na kami. Halos hindi ako makatulog ng maayos dahil bigla ka na lang nawala sa amin," umiiyak na sabi ni Mommy Rosa kay Lorenzo, habang yakap niya ito na parang hindi niya na bitiwan. Sabik na sabik siyang niyakap si Lorenzo mula nang dumating siya kanina. Si Mommy na ang sumundo sa kaniya at ang driver nito. Si Mommy lang umuwi at hindi kasama si Patricia. Si Claris, naman bumalik na sa hospital. “Sorry, Mom kung hindi ko kayo maalala. Hayaan niyo po bukas magpatingin na ako kay Doctor Villega. Huwag ka na malungkot, Mom. Nandito na ako sa tabi niyo," saad ni Lorenzo sa kaniyang ina na walang tigil ang pagyakap sa kaniya. Iniwan ko na muna silang mag-ina para magkaroon sila ng privacy. Nagtung

