Chapter 71 Shany “Huwag ka na umiyak. Hayaan mo na muna ang asawa mo. Bakit mo naman kasi pinakita sa kaniya na hahampasin mo siya sa ulo?’’ pag-aalo sa akin ni Ate Allysa. Habang si Ate Ruby Rose naman abala sa mga bata. “Ikaw kasi, kung ano-ano ang itinuturo mo riyan sa pinsan ko,’’ sabat naman ni Kuya Enrico. “Gusto ko lang naman tulungan si Shany, na maalala ng asawa niya,’’ sagot ni Ate Allysa sa sinabi ni Kuya Enrico. “Ang tanong, nakatulong ba? Lalo lang yata lumala,’’ nakapameywang na sagot ni Kuya Enrico kay Ate Allysa. Kibit balikat lang ang sagot ni Ate Allysa sa sinabi ni Kuya Enrico. “Dito na muna kayo at pupuntahan ko lang si Lorenzo sa bahay nila,’’ paalam ni Kuya Enrico sa amin. “Kuya, uwi muna ako sa mansion. Doon na muna ako magpalipas ng araw,’’ wika ko kay Kuya

