Chapter 60 Elias Dumating na ang doctor at ang mga assistant nito. Kumaway pa ito sa mga pasyente bago pumasok sa loob ng brgy hall sa may health center. Lumabas naman ang Brgy. Staff. “Pumila na kayo ayon sa number niyo para hindi magkagulo-gulo!” sigaw ng bargy staff at inayos ang pila. Mahaba-haba pa ang pila ko. Naupo na muna ako habang tiningnan ang mga tao. Napapaisip ako na paano kung may kalaban pala ako? Paano kung makita ako rito ng mga nambugbog sa akin? Nagising na lang ako sa bahay ni Tatang Nardo na may bandage sa ulo at nanakit ang mga katawan. Kahit isang piraso sa nangyari sa akin hindi ko man lang matandaan. Nang gumaling ako at wala naman akong mapupuntahan kinupkop na muna ako nila Tatang at Claris. Mabuti mabait sa akin ang mag-ama. Kaya, tumutulong ako sa pagpap

