Chapter 62 Shany “Huwag kayong magharutan kapag nasa silid na kayo ng Daddy niyo, ha?’’ bilin ko sa mga pamangkin ko habang naglalakad kami sa pasilyo ng hospital. Dinalaw ko si Kuya, isanama ko ang mga anak niya. Nagbabaka sakali ako na marinig ni Kuya ang mga anak niya at magising na siya. Kasama ko naman ang mga yaya ng mga bata. Pumasok na kami sa loob ng silid ni Kuya. At tulad ng dati marami pa rin siyang aparatos sa katawan. “Daddy, gising na po!’’ Niyugyog ni Ralph ang braso ng Daddy niya. Habang si Rafael naman nakatunghay lang sa kaniyang ama. Si Raffy naman panay halik sa kamay ni Kuya. Hinaplos ko ang buhok ni Kuya Reynold at hinagkan siya sa kaniyang noo. “Kuya gumising ka na kasi. Paano mo mahahanap si Ate Crystal, kung palagi kang nakahiga riyan? Saka dalawang buwan na

