MSL 3

1729 Words
Devone sandoval's pov " buisit na babaeng yun! May balak pa siyang agawin sa akin si ceo?! Kapal lang talaga niya!" Himutok ko. Pasakay ako ng elevator. *ting!* Sa wakas bumkas din! O.O Nagulat ako kung sino ang nasa loob! Si ashe at ceo! Lukaret talaga to! Lumabas silang dalawa . " uh. Ceo may dumi ka.." Tapos pinagpag niya yung coat ni ceo. Urghh! Sarap sabunutan!!  How dare him touch my ceo!!!! " yan. Okay na.." Tapos ngumiti pa siya ng malapad kay ceo. Naunang naglakad si ceo tapos itong si ashe sumenyAs sa akin na kakain daw sila sa labas!!! Ay buisit talaga!!!! Nanlisik ang mga mata ko sa sobrang inis! At naikuyom ko ang mga kamao ko. May araw ka din sa akin!!!!  Ashe anderson's pov Nandito kami ngayon sa isang class na restaurant. " ano gusto mong kainin?" Tanong niya sa akin. Tapos ngumiti siya. Oh my! Loko ka chase! Kung makikita mo lang kami ni ceo! Baka hindi mo na sabihin sa akin na hindi pa ako naka move on. ^^ " kung ano ang oorderin mo ganun nalang din ang sa akin." sabi ko. Ngayon palang kasi ako nakarating dito. Malay ko ba kung anong meron dito diba?. " osige. " tapos tinawag niya ang waiter at umorder na. Kumaen kami at nagkwentuhan.. Pagkatapos nun ay inihatid na niya ako sa bahay. " salamat sa paghatid." Sabi ko sa kanya. *kilig* " your welcome.." Sabi niya tapos ngumiti. " i had to go.." Sabi niya pa. At tumango lang ako. Pinagmasdan ko nalang na umalis ang sports car niyang kulay black. " nag date kami!" Haha. Kinikilig na sabi ko habang paakyat ako ng apartment ko. Mauulit pa kaya yun? Si devone kaya? Ano kaya ang naging reaction niya?? --- Next day.. Ngayon ang araw na magrerehersal ang bride at ang groom. Hay! Kung pwede lang hindi na ako unattend dito ts. " let's start the wedding.. I am now calling the groom." Sabi nung announcer. At pumasok si chase.. Naglalakad.. Kaso bakit ang bilis?? Parang timang lang! Kasal kaya to! Ts! Nilapitan ko siya at binulungan . " mabagal lang kasi.." Tapos tumango siya. " okay okay.. Isa pa.. I am now calling.. The groom.." Ulit ng announcer. At naglakad na nga itong si chase.. Pero sa pagkaka taong ito.. Mabagal na siya.. At nang makarating siya sa tabi ng altar. Doon naman tinawag ang bride. Kasama ng bride ang isa sa mga staff namin na medyo may edad na. Kunwari siya ang ama nito. Talaga bang ikakasal na siya?? Sa nakalipas na 8 taon. Wala nalang ba talaga sa kanya ang lahat??? Malungkot ko silang pinagmamasdan. Ewan ko nga ba. Dahil siguro ikinasal din kami at nagsama. Siyempre makakaramdam ako ng lungkot. Ikaw ba naman ang iniwan ng walang rason. Tapos ngayon makikita mo siyang ikakasal sa iba. Sana matapos na ang lahat ng to. Chase fuentes pov. Nang pinagmamasdan ko si faye na naglalakad papalapit sa akin. Bakit parang nag flashback ang lahat.. Flashback " sigurado ka ba talaga dito?" Tanong niya sa akin habang nasa harap kami ng chapel. " oo naman.. Mahal na mahal kita ashe.." Tapos hinalikan ko siya sa labi. Masaya kaming bumaba ng sasakyan at tumakbo papuntang chapel. Para kaming mga batang maliit na sabik sa pupuntahan naming lugar. Nakatayo ako sa tabi ng altar at hinihintay si ashe na makalapit sa akin. Simple lang ang suot niyang dress. Kulay puti iyon. At iilan lang ang hawak niyang bulaklak. Mga bulaklak na gustong gusto niya. Masaya siyang nakatingin sa akin. Sobrang ganda niya.. Kahit simple lang ang suot niya.. Nang makalapit na kami ay tinanong kami ng pari .. " do you take ashe anderson to be your wife ? " " yes father." Sagot ko. " do you take chase fuentes to be your husband ?" Masayang tumingin sa akin si ashe at sumagot ng.." Yes father." " i will now pronounced you.. Husband and wife..you may now kissed the bride." Sabi ni father at hinalikan ko si ashe. Yung pakiramdam ko sobrang saya.. Sobrang saya na akala ko walang katapusan.. End of flashback " hey babe.. Tinatanong kana ni father.." Bulong ni faye. " oh. " sabi ko nalang.. Ganun ba ako katagal nakatulala?? " i repeat. Do you take faye alcantara to be your wife?" " yes father." Sabi ko nalang wala na naman akong choice e. " do you take chase fuentes to be your husband?" Tanong niya kay faye. " yes. Father yes! " masayang sabi niya. Kung si ashe lang sana to baka maging masaya pa ako.. Teka! Bakit ko ba iniisip to! Ashe anderson's pov Rehersal lang to pero bakit nasasaktan ako??. Mas mabuti pang lisanin ko natong lugar nato bago pa tumulo ang luha ko. Alam kong naka move on na ako.. Pero bakit ganito??.. Chase fuentes pov. " alak pa .." Sabi ko sa bartender. Hindi ko alam kung nakakailan na ako pero wala e. Gusto ko lang uminom. Tinawagan ko ang assistant ko. " puntahan mo ako. Nasa bar ako. Bayaran mo ang bill ko. " sabi ko sa kanya tapos inend ko na . Wala pang 10mins. Nandito na siya sa bar. " tol. Bakit naglalasing ka?? Bukas na ang kasal mo." Sabi niya. Kahit assistant ko siya . Magbarkada kami. Siya lang ang kaisa isang kaibigan ko. " hayaan mo na ako tol. Pag kinasal na ako bukas wala na tol.. Hindi na kami pwede! Kung kailan Nakita ko na siya ulit tol! Bakit kung kailan ikakasal na ako dun pa kami nagkita ulit." Para akong sira g plaka kasi paulit ulit ang tol ko. " kesa sa maglasing ka. Bakit hindi mo siya puntahan tol? Kausapin mo siya. Itanong mo kung meron paba tol. " sabi niya tapos tinapik ako. " tama na yan tol. Baka malasing ka niyan . Babayaran ko na bills mo. Ahh.. Teka nga pala. Nasan yung wallet mo? Bakit ako nanaman ang pinapabayad mo?." Sabi niya pa . " nasa kotse tol." Sabi ko sa kanya. E sa tinatamad ako e. " langya naman tol! Halus makabunggo ako kanina para lang makarating agad dito. Sira ulo ka talaga.nasa kotse mo lang pala!" Himutok niya. " bayad oh. Sa lahat ng ininum niya." Sabi niya sa bartender. " thankyou ho sir." Sagot nung bartender. " wag kana tumunganga diyan! Tara na at puntahan mo na siya!" Tapos hinila niya ako. Oo ! Tama! Pupuntahan ko siya. Bago mahuli ang lahat. Mabilis akong nakarating sa bliss.acad hotel. Pinuntahan ko siya sa office niya. Lakad takbo ang ginawa ko. Kaso wala siya. Walang tao.. Hinanap ko pa siya sa ibang parte ng hotel. Sana naman nandito pa siya. Hanggang sa makarating ako sa may garden ng hotel. Doon ko siya nakita.. Nakaupo sa bench .. . . . . At may kausap na lalaki. Siya ba yung ceo?? Kung titignan mo sila sobrang saya nila. Nagtatawanan pa. Kirot ang naramdaman ko. Wala na nga siguro talaga.. Naka move na .. Wedding day.. Ashe anderson's pov.. " okay naba lahat?" Tanong ko sa assistant manager ko na si mae. " yes mam. Oka napo lahat.." Sabi niya sa akin. " 20 min before we start papasukin mo na ang mga guest ha. " sabi ko sa kanya tapos pumunta na ako sa room ng groom. *knock.knock* " come in .." Walang ganang sagot niya. " magready kana.." Sabi ko sa kanya. Nakasandal siya sa sofa. Naka white siyang suit. Ang gwapo niya! He just nod. Bigla namang dumating yung inorder ko na tea para sa kanya. Kinuha ko yun at nilapag sa lamesa. " mag chaa ka. " alok ko. Hindi niya lang ako pinansin. Anyare dito?! Napipi ata. Lumabas na ako ng room niya at bumaba na sa venue. " nakapasok na po ang mga guests mam." Sabi ng assistant manager ko. " okay. Good." Tapos ngumiti ako sa kanya. Lahat ng staff busy. Dahil malaking kasal ang gaganapin. " 5,4,3,2,1 begin.." Sabi ko kay mae at tumango siya para puntahan ang announcer agad din itong bumalik sa tabi ko. " nakastandby. Naba ang groom??" Tanong ko. " yes mam." Whoo! Di ko alam pero bakit kinakabahan ako?? .. Alam kong ginawa ko ang lahat para sa kasal nato. Ginawa ko ang best ko.. "let's start the wedding.. I am now calling the groom." Sabi nung announcer. Pumasok si chase ..  Mabagal na naglakad papuntang altar.. Tatalikod na sana ako ng biglang namatay ang mga ilaw. F*ck!!! Wag mong sabihing walang kuryente??! " ahhh!!!!!!" Sigaw ng mga bisita.  " wag ho tayong mag panic.. Gagawa ho kami ng paraan.." Sigaw ko. " manatiling nakaupo sa mga upuan niyo," sigaw pa ni mae. Kanya kanyang bukas sila ng mga flashlight. Yung iba sa phone. Kulob ang buong venue!! Kaya wala akong makita! Yung generator?? Binuksan ko na din ang flashlight ng phone ko at lumabas ng venue. (Nasa loob kasi ng mismong hotel ang venue. Gets niyo??) Sobrang dilim talaga! Nakakakilabot! " ang generator!! Buksan niyo ang generator! " sigaw ko kahit wala akong makita. Pero ramdam ko na may mga staff dito sa labas. " mam. Ang generator.." Hinihingal na sabi nung staff na lalaki. " sira po!!" Pahabol niya. " oh my gosh! Anong gagawin natin ngayon,??! " naguguluhang sabi ko. " hindi po namin alam kung kailan darating ang kuryente mam." F*ck!! Just f*ck!! Bakit ngayon pa nangyari ito??! Ang dami daming araw na pwedeng mangayari ito! Ts! Buisit naman eh! Bumalik kagaad ako sa venue at hinanap si chase. Ang bride! Kailangang puntahan!  Siguradong nashock yun. Ikaw ba naman ang ikakasal na tapos nawalan ang kuryenta hindi kaba naman maglupasay sa sobrang inis! Nakita ko siyang nakatayo . Nasa kalagitnaan siya bago pa marating ang altar. Nakatulala lang siya. " punatahan mo ang bride mo." Hinihingal na sabi ko sa kanya. " siguradong nagwawala na yun! Dalian mo." Tinignan ko ang paligid. Napakaraming flashlight na nakasindi. Pero mas nangingibabaw Ang kadiliman. Nilapitan ako ni mae. " mam. Ayaw gumana ng mga generator. Mamaya pa daw 9pm ang dating ng kuryente." Arrgh!! Bakit ngayon pa! Ano nalang sasabihin ng cliente ko nito! *** Thank you so much for reading this chapter! Read.like.comment.follow me for more Other completed story: my virgin bedcretary ( rated spg) ON GOING : my wife is a secret agent ( super rated spg) My secret love ( rated spg ) TO BE PUBLISHED: fatty turned sexy ( rated spg) will you be my honey? ( super rated spg) -shobeybeloves
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD