Kinabukasan ay maaga kaming gumising dahil magtutungo kami sa bukal kung saan kami naligo dati ng mga kaibigan ni Kuya Van. Alam kong masasaktan ako oras na makita ko ang lugar, ngunit h-hindi ko 'yon alintana. Walang nakapigil sa aming apat na magsuot ng bikini, kami naman ngayon ang parang nasa beach at rumarampa. "Ang sexy ah," pang-iinis sa akin ni Lette. Sa aming apat ay ako lang ang payat, sila ay may kanya-kanyang kurba at hubog ng katawan. "Wag mo akong asarin," irap ko sa kanya na ikinatawa lang ng dalawa naming kasama. The place is perfect for us. Hindi masyadong mainit. Ang haring araw ay tinatakpan at niyayakap ng makapal na ulap. Mga halakhak namin, bagsak sa tubig, panaka-nakang huni ng mga ibon ang bumalot sa tahimik na paligid. Hindi ko binalikan ang mga alaala na

