PROLOGUE

262 Words
Ten Years Ago… "E-EVAN, maawa ka sa 'kin. Huwag mo akong iiwan. You know how much I love you," umiiyak na sabi ni Carla. Patuloy sa pag-agos ng masaganang luha sa kanyang mga mata. "You're my life, my everything. I beg you to stay. Kailangan kita," humihikbi pa niyang patuloy. "Carla, didn't you hear me?" sabi nito habang marahas na inaalis ang kamay niyang nakapulupot sa braso nito. "I said we're through. Ayoko na. I've been bored with this dumbass relationship of ours!" madiing sabi nito na halos magpadurog sa kanyang sugatang puso, saka siya nito iniwang nakatulala sa isang tabi. Narinig na lamang niya ang pagharurot ng kotse nito, hudyat na tuluyan na itong umalis sa buhay niya. Nanlulumong napaupo na lamang siya habang patuloy pa rin sa pag-iyak. It was painful. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang itong nakipagkalas sa kanya. She had been a very good girlfriend. Halos lahat ay ginagawa niya mapasaya lamang niya ito. She had been sweet, loving, thoughtful, caring, and understanding na kahit ito pa ang may kasalanan ay siya ang nagpapakumbaba at sumusuyo rito. She even got to the point na isinuko niya ang kanyang p********e dahil sa sobrang pagmamahal dito. She was just sixteen, pero grabeng pasakit sa ngalan ng pag-ibig ang nararamdaman niya ngayon. Hindi niya alam kung makakaya niyang wala ito sa buhay niya. Evan was her life. Dito umiinog ang mundo niya. Hindi niya akalaing darating ang panahong mawawala ito sa kanya. She doesn't know where to start, how to stand again, and live her life without him...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD