J U S T I N E Lahat kami nakaupo sa isang mahabang upuan na kahoy. Nakituloy muna kami dito sa dating bahay ni Ryuu. Buti may naabutan kami'ng tao. "Oh. Uminom muna kayo ng tsaa. Para bumalik ang mga lakas nyo. Mukhang matagal kayo'ng naglakad. Tamang tama ang dating nyo Ryuu. Kakagaling 'ko lang sa bilihan ng mga halamang gamot." Sabi ni Miss Shiela. Sya yung matanda na naabutan namin dito. I wonder kung ano sya ni Ryuu. Thou hindi sila magkamukha. Kaya hindi 'ko masabi kung mag ina ba sila. Pero ang ganda nya. Wala sa itsura nya na matanda na sya. Nakausap na namin sya kanina bago pa sya mag gawa ng tea para samin. Nagulat pa nga sya nung makita kami at agad na pinapasok sa bahay. Nakipag kwentuhan sya samin sandal

